DRAMANG SAKIT-SAKITAN

448 20 14
                                    

Sadyang matalino lang talaga ako...sabi nga ng Grade 6 teacher ko

"Ricky, nasa top ten ka sana...kaso Absingero ka lang!" IT hurts!

Aminado naman ako na may utak ako kaso mas nabibighani ako sa mga anime at kapag di ko mapanood ang favorite kong anime ay hindi ako mapakali...Kaya anong solusyon?

Syempre ibabalik ko si Award Winning Actor...

Kilala lang naman ako na pag nag-absent eh diretsong isang linggo at ang rason..?

Syempre pabago-bago para hindii halata...

Iiyak ako tapos sabay reklamong sumasakit ang ulo ko...

Syempre hindi na ako papapasukin ng Lola ko...ang masama lang...

Hindi naman talaga...

Bibigyan ako ng gamot, syempre isusubo ko lang pero hindi ko lulunukin..takot kaya akong ma-overdose at pag-pumunta na sa palengke si Lola..

Aba..syempre BUKAS T.V sabay nood...

Ang maganda pa nun may isang litro akong ROyal o Sprite...Inumin daw yung ng may sakit..may dagdag pang Skyflakes...

Di ba may meryenda pa hahahaha...

Pero Hindi natatapos dun ang drama ng mokong na ito...

Syempre para kapani-paniwala na nagkasakit ako...pagpasok ko sa school the next week...

take note NEXT WEEK..

syempre dapat mukha akong nanghihina, paubo-ubo tapos papungay-pungay ng mata...

eh ang mganda sa kin DYING EYES daw mata ko..kahit hindi ako inaantok eh mukha akong inaantok...

Siguro sa Isang Buwan, twice akong absent at dahil henyo ako...pumapasa naman ako at matataas pa grado ko...

sinali nga ako sa MTAP contest kasi magaling ako sa MATH. Noong NEAT namin may premyo akong 100 kay Ma'am kasi na-perfect ko yung Math Subject....

Ang Regret lang siguro kung hindi ako absingero, may honor ako...

Hay!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon