Entry 1

139 3 0
                                    

 Bryell’s POV

“MARKO SOOOOOOOOONNNNNGG!!!!!!”, sigaw kong mas malakas pa sa tilaok ng manok.

“Hoy! Anon bang tinitili-tili mo dyan?” naiiritang tanong ng BFF kong “maganda” daw. May DAW ho yan.

Hala! Nakalimutan ko, di lang pala ako ang tao sa kwarto.

“Si Mar. . . Mar. . .”

“Mar? Mar Roxas? Ayusin mo nga pagsasalita mo! Konti na lang babatukan na talaga kita!!Ba’t ba pabitin-bitin ka??!!” lumalaki pa ang butas ng ilong niya habang nagsasalita. Ahihihi!

“Mar. . .ko . . .Song” natutulala kong sabi. o.o halos pabulong ko na atang nasabi yun.

 “Mwo?!!Kikitilin ko na talaga ang buhay mo!!! Di kita maintindihan eh!! Ano bang gusto mong sabihin?! Ang sarap ng tulog ko tapos bigla kang sisigaw ng pagkalakas-lakas tapos kung anu-ano pang sinasabi mo!! Sinapian ka ba??!!”

Kahit kelan talaga exaggerated talaga ang babaeng to! Napaka hot-tempered pa. minsan nga nagtataka ako ba’t ko naging bestfriend to! -.-

Pero kahit ganyan siya, love ko siya noh. NAKS! Napaka-cheesy ko ata. Ahihihi!

Ay! Di pa nga pala ako nakakapagpapakilala sa inyo, Bryell [pronounced as:Briyel] Choi at ang bestfriend ko naman ay si Crystel Park. Isa pa lang yan sa mga bestfriends ko. Nakikituloy lang ako sa bahay nila. Basta, mahabang kwento. Tsss. Pero mamaya ay makikilala niyo ang iba ko pang BFF.

(Ay! Balik tayo sa senaryo kanina. . . J)

“Hoy! Ms. Bryell Choi. Ako ba’y kakausapin mo o puputulin ko yang dila mo at nang di mo nako makakausap buong buhay mo???”

“Ito po ay RATED SPG! Maaaring merong maseselang bahagi tulad ng KAHARASAN, KAHARASAN AT WALANG IBA KUNDI KAHARASAN LAMANG!” hininaan ko ang boses ko para di niya marinig. :D

“ANO???!!!” pero mukhang narinig. T.T

“Ah. .  Eh. . .Hehe. . . Wala naman, Best.” Kahit naka air-con eh pinagpapawisan ako ng malagkit. Phew!

Tiningnan niya lang ako. Hay! Wala naman akong magagawa kundi sabihin ang totoo. Mas magagalit siya kung nagising ko lang siya ng walang dahilan.

“Si ano kasi. . . Si Marko Song. Napanaginipan ko siya, Best! Tapos malapit ko na siyang halikan.” Nilapit ko ang nguso ko sa nguso niya.

“1 cm na lang, best! Tapos. . . tapos- -“

“Tapos nagising ka dahil kinagat ka ng langgam?” sabad niya.

“FYI! Surot po! Surot po ang kumagat sa akin.”

“Hahahahahahaha. Buti nga sayo! Kung anu-ano kasing kamunduhan ang naiisip mo eh!”

“Killjoy ka talaga, best” nag pout ako. Hilig ko lang magpa cute. ^.^v

“Iyan kasi. Wag ka na kasing sumigaw. Nakakabulabog ka eh. Pag nakita ko talaga ang Marki Song na yan! Naku!! Bubugbugin ko talaga ng masira ang mukha. Dahil sa kanya, nabulabog ang maganda kong tulog!” pinatunog niya pa ang mga buto sa kamay! Scary! ~.~

“Uyy! Wag naman! Di na talaga ako uulit, best. Promise!” nag puppy-eyes pa ako. self-defense ko talaga ang magpa cute eh. Hehe!

“Siguraduhin mo lang!” tiningnan niya ko ng masama tapos. . . tumawa na parang buwang! Hala! Bipolar ata bestfriend ko ah!! Simulan ko na kayang lumayo dito? Aish!

“Ang sarap mo talagang takutin, best. Ahahahahah!” Hala! Lumuluha na sa kakatawa. -.-

Tinapunan ko siya ng unan sa sobrang inis ko!

“Napaka bully mo talaga, Ms. Crystel Park!”

Habang tinitingnan ko siya eh napatawa na rin ako.

“Ahahahahahahaha. 100x”

_3 min_

Sa wakas, huminto na rin kami.

[B: Nakakapagod yun, author-nim huh!

A: Yaan mo na! minsan sa buhay mo, kailangan mo iyang pagdaanan nang may matutunan ka sa buhay,

B: Marami nga akong natutunan sa Ahahahahahahaha. 100x!

A: Wag ka ng mareklamo. Ako pa rin author dito. Kaya balik na sa senaryo. . .]

“Nakakapagod pa lang tumawa, best.” Nakangiti pa rin ako. di ko ata mababa ang panga ko.

“Oo nga eh. Pakiramdam ko kakabagin ako sa rami ng haning nalunok ko! Hehe.”

“Pero seryoso best. Ang ideal man ko talaga ay si Marki Song. Siya ang gusto kong mapangasawa. : )”

“Alam mo, best. Kahit di naman mangyayari ang mga pinagsasabi mo, susuportahan pa rin kita sa pagde-daydream mo. Kahit di mo naman makikita kahit kelan si Marko Song nay an nandito lang ako. kahit di niya naman alam na nag-eexist ka sa mundo pero umaasa lang mapapangasawa mo siya, kahit alam ko naman na hindi, bestfriend mo pa rin ako. okay?”

“Wow ha! Thank you, best huh?! Napakabuti mo naman. Nakakatouch ang mga sinabi mo. Naiiyak na nga ako eh!”

“Alam ko. Your welcome, best.”

Talagang nag your welcome pa ang bruha! Kahit na napaka sarcastic ko nang sinabi ko yung dialogue ko , ni hindi lang man nakapansin. Manhid talaga! -.-

Ahhhh! Basta! Di ako susuko. Habang buhay may pag-asa. May bukas pa! may bukas. . . Teka!

“Best, ano nga ba bukas?” please, wag sana ang iniisip ko!

“Exams.”

“WHAAAATTT?! I’m dead meat. Di pa ako naka study, best. Anong gagawin ko??”

“Huwag kang mag-alala. Alam ko ng mangyayari yan. Eto!” at may inihagis siyang notebook.

“Ano to?” takang tanong ko.

“Reviewer.”

“BEST!!! THANK YOUUUUU.” At niyakap ko siya ng mahigpit.

“What are bestfriends for?? Iyan lang ang magagawa ko dahil di naman ako ang bida sa storyang to! Hehe,”

[A: Mangonsensiya ba?

C: Joke lang po. ^.^v]

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon