Entry 19

16 1 0
                                    

Kane’s POV

Ang saya ko! Ang nawawala kong kapatid ay siyang matalik ko lang palang kaibigan! Nasa tabi ko pa lang pala si Lee-hyung. Grabe talaga!

“Kane!” lumingon ako. Si Lee-hyung pala.

“Oh, hyung! Bakit?”

“Wala lang! Ang laki ng bahay niyo ah!” isinama na rin kasi siya ni papa sa bahay.

“Bahay natin, hyung.” Pagtatama ko.

“Ah. Oo nga pala. Pero naninibago pa rin ako eh. Haha.”

“Natural lang yan, hyung. Ahm. Ano bang gusto mong itawag ko sayo, hyung?”

“Marko na lang, Kane. Di kasi ako sanay sa ‘LEE’ eh. Baka pag tinawag niyo kong ‘LEE’, di ako lumingon.”

“Oo nga naman.” Pagsang-ayon ko.

“Uhm. Teka, Kane. Bakit di mo nga pala sinabi na papa mo ang President ng LHJ Studio?”

“Ayoko kasi na special treatment eh. Gusto ko, jung anong trato sa ibang artista, eh ganun din sakin.” Paliwanag ko.

Ginulo niya ang buhok ko.

“Haha. Ikaw na, Kane! Kalian kaya ako magiging anghel katulad mo?” pagbibiro niya.

Tiningnan ko si Marko-hyung. Di naman talaga siya masama eh. Ayaw niya lang ng inaapi siya dahil sabi niya, ‘Kapag nagpakita ka raw ng kahinaan, aabusuhin ka nila at hindi rerespetuhin.’ Kaya, suplado siya. Di ko naman din siya masisi dahil inapi-api siya noon ng hindi pa siya artist. Do ko na sasabihin sa inyo dahil ika nga niya, ‘Dapat ng kalimtan ang nakaraan. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang kasalukuyan para may magandang hinaharap.’ Haha.

“Oi. Ba’t ka na natutulala diyan? Wag mong sabihing naiisip mo na naman yung crying lady mo?”

Crying lady?? Ahhh. Si Bryell.

“Haha. Hindi ah.” Dahil sa mga di inaasahang pangyayari ay medyo nakalimutan ko siya. Hehe.

“Tss. Deny pa.”

Pumasok si Secretary Kang. Ang kanang-kamay ni papa.

“Young master, pinapatawag po kayo ng papa niyo.”

“Ah. Ganun ba?” binalingan ko si Marko-hyung.

“Hyung, excuse lang ha. Tawag ni papa.” Paalam ko.

“Sige.” Sagot niya at sumnod nako kay secretary Kang.

Ano na naman kaya ang sasabihin ni papa?

Marko’s POV

Hay! Naninibago pa rin ako sa bahay ni papa. Malaki yung bahay ko pero triple nito ang mansion niya. Grabe! Nakakalula! Pero mas nakakalula ata na tawaging anak ng President eng LHJ Studio! Wow!

“Teka! Kanina pa di bumabalik si Kane ah! Mapuntahan nga! Ay! Teka! Di ko naman alam ang pasikot-sikot dito. Sa laki ng bahay nato baka maligaw lang ako. Hmm.”

Nagpalinga-linga ako at Bingo!

“Secretary Kang!” lumingon naman siya kaagad at lumapit.

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon