Bryell’s POV
Narito ako ngayonsa labas ng convention hall ng Plump Mall. 5:30 PM pa lang. 7:00 PM pa magsta-start ang fan meeting pero sinadya ko talgang magpaaga para nasa unahan ako. Hehe! ^.^
Maramina ring tao at katulad ko, patingin-tingin rin sila sa pintuan ng convention hall kung kalian bubukas. Mukhang mapapalaban ako mamaya ah. Aish!
6:30 na! Naku! Malapit ng bumukas. Excited na talaga ako. nag-Chucks pako ngayon para kumportableng tumakbo at umapak ng paa. Hehe! v^.^v
6:45 na! Konti na lang, Bryell!
6:50! Teka! Naiihi ako. Naku naman! Kaasar ka namang pantog ka! Kung kalian malapit nang mag 7:00 dun ka pa naiihi! Aish!
Pumunta nako sa CR. Tumakbo nako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao kasi tumatakbo ako sa mall. Bahala na! -.-
Sa wakas, nakarating nako sa CR. Buti at konti lang ang tao. Pumasok nako sa cubicle at umihi. Marami akong nailabas. Ihing-ihi kasi ako. mukhang naparami ang inom ko ng tubig kanina. Hehe. ^.^
Tumingin ako sa relo ko at. . .
“WHAAAT?! 6:59 na??”
Tumakbo ulit ako. Aish! Ba’t ba ang dali ng oras eh kaninang naghihintay ako eh ang bagal-bagal naman. Kaasar naman oh!!!!
Nakarating rin ako! Bukas na ang convention pero marami ng tao. Aish! Puno na sa harapan. Nasa pinakalikod nako. Anu ba yan?!
Pinilit kong sumingit pero di talga eh. Paano ba yan? Nag-isip ako ng paraan. Hmmm.
“Aaaaaaaaaaaaaaaah!” nagsigawan na sila. Sigurado ako nandyan na si Marko-oppa. Di ko makita kasi masakit mang tanggapin, di naman ako katangkaran. T.T
“Utak! Gumana ka naman oh.kahit ngayon lang! Please!” mukha na akong baliw dito.
“Annyeong haseyo!! Kumusta kayo?”
Waaaaah! Nagsasalita na siya!! Tumingin-tingin ako sa paligid at. . .May nahagip ang mga mata ko.
TING!
“LIGHT BULB! Hehe! Ayun may upuan. Pwede kong patungan.”
Kinuha ko ito at piwesto sa kinatatayuan ko kanina.
“Ayan. Okay na! ^.^” pumatong nako.
“Omo! Nakikita ko siya. Aaaaaaaahh!” tili ko. Di ako marinig kasi marami rin ang tumitili. -.-
“Gosh! Ang gwapo niya pa rin kahit sa malayo. Hayyyy! ^.^”
“Ako nga pala si Marko Song.” At ngumiti siya.
Nakakatunaw ang mga ngiting yun. Awwww!
“Sana panoorin niyo ang pelikulang pagsasamahan namin ng matalik kong kaibigang si Kane Yoo.”
“OO NAMAN!!!” sigaw ko.
“AAAAAHHH!!” Nakikisigaw ako at patalon-talon pa. pero nakalimutan kopng nakapatong pala ako sa upuan.
Di ko inaasahan ang mga sumunod na mga nangyari!! Nahulog ako mula sa pinapatungang kong upuan. Napakapit ako sa taong nasa harapan ko at. . .
“My Gosh!” napatutop na lang ako sa bibig ko sa nagyari.
Parang domino effect na sunus-sunod na natumba ang mga taong kalinya ng natumbahan kong ale!
Napatayo ako sa gulat! Gusto kong tumakbo at umalis na pero di ako makagalaw.
“Patay!”
Natapos na rin ang human domino at nakatingin sakin lahat pati si . . . MARKO!!!
Pumunta sa akin ang spotlight at napayuko na lang ako. sobrang tahimik at click na lang ng camera ang maririnig mo. OMO!! D:
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Teen FictionHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD