Kane’s POV
Sa wakas nagka POV na rin ako. hehe. ^.^
Ako nga pala si Kane Yoo. Artista rin po ako at matalik na kaibigan ni Marko Song.
Kung tatanungin niyo ko kung ano ang ginagawa ko ngayon. Nagda-drive po ng motor. Nasa likod ko si sweet girl. Haha. Nagkita kasi kami kanina ulit. Bryell Choi pala ang pangalan niya. Ang ganda ng name niya. Kasing ganda niya. :D
Ihahatid ko siya sa kanila kasi gumagabi na at baka mapano pa siya sa daan.
Binilisan ko ang takbo ng motor ko at naramdaman kong mas humigpit ang kapit niya sa akin at napasandal sa likod ko.
DUG! DUG! DUG! DUG!
Hala! Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Umiling ako. Ahh! Hindi. Wala to.
Huminga ako ng malalim at bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko.
Wala pa atang labinlimang minutoeh nakarating na kami sa kanila.
“Oi, Bryell, narito na tayo.” Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin.
“Buhay pako! Yehey! Haha.”
“Tsss. Baliw! Sige alis nako.” Natakot pala talaga siya kanina.
“Teka, di ka ba muna papasok?” pigil niya. Nginitian ko siya.
“Di na. Sa susunod na lang, magkikita pa naman tayo eh.” Kinindatan ko siya. Ba’t ko ginawa yun? Tss. Pinaandar ko na ang motor ko at umalis na.
“Salamat. INGAT KA!” narinig kong sigaw niya.
Ba’t parang uminit ang pisngi ko? Teka, nagba-blush ba ko? Yuucck! Ang bakla ata ng dating nun ah. -_-
Tinaas ko na lang ang kamay ko at nag-wave.
“Magkikita pa tayo Bryell Choi. Sinisiguro ko.”
Crystel’s POV
Buti naalala mo pa ako Ms. Author? Haha. Joke lang. Peace. ^.^v
Antagal naman ata ni Bryell? Hmm. Ano nga kayang nangyari dun?
“Matawagan nga.” Kinuha ko na ang phone ko para tawagan siya pero may narinig ako mula sa labas.
“Baka si Bryell.” Tumingin ako mula sa bintana ng kwarto ko at nagulat ako. O.O
Si Bryell? Nakasakay sa motor?? Bago at to ah. Takot naman kasi yun sa kahit anong mabibilis eh.
Tiningnan ko ulit sila at mukhang nag-uusap pa rin sila.
Maya-maya eh umalis na rin yung lalake. Sino kaya yun?
Bumaba ako para salubungin si Bryell. Gusto ko kasing malaman kong sino yun. Hehe.
Tamang-tama pag baba ko eh kakapasok pa lang niya. Hindi ako nagpahalata na interesado ako. Hehe. Wala. Trip ko lang. :D
“Uhm. . . Nandiyan ka nap ala. Iinom lang sana ako ng tubig.” At ngumiti ako. tiningnan niya lang ako at. . .
“Kunwari ka pa. Gusto mo lang malaman kong sino naghatid sa kin. Hahahaha.” Nahulog ang mga balikat ko. Obvious ba talaga ako? -_-
“Hahaha. Best, you’re busted!” pang-aasar pa niya. Aish!
“Oo na. Nahuli mo na ako. oh sinoba yun?” excited kong tanong.
“Best! Di ka maniniwala sa sasabihin ko sayo. Haha.” Excited niya ring sagot.
“Edi, huwag mo ng sabihin. Di naman pala ako maniniwala. Diyan ka na nga.” At kunyari aalis ako. Hehe. Siyempre, joke ko lang yun.
“Best naman eh! Panira ka talaga kahit kelan! Oh siya. Si Kane Yoo yun!”
“Anooo?? Kane Yoo yung artista?? Pano mo siya nakilala?” Ang swerte naman ng babaeng to.
“Kasi ganito yun. . .” at kinuwento niya na ang pagkikita nila.
“Ganun? Mukhang siya parati ang karamay mo pag napapaiyak ka ni Marko ah.” Puna ko.
“Huh? Ah, oo ngs eh. Palagi siyang nariyan pag umiiyak ako.” pagsang-ayon niya naman.
“Lakas mo kasing ngumawa, best eh. Agaw-pansin. Hahaha.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Eeehh! Best naman eh.” Pikon talaga to si Bryell kahit kelan.
[Author: Kung magsalita naman to parang di siya pikon. ^.^v]
“Best, mukhang pinagtatagpo talaga kayo no Kane ah. Palitan mo na nga yang si Marko ni Kane.”
“Ano ka ba, best? Kaibigan ko lang si Kane noh. Tsaka, sa ngayon, si Marko lang ang tinitibok ng puso ko kahit sanasaktan niya ko. T.T” Yuck! Ang corny talaga ng maga in love!
“Oh siya. Susuportahan na lang kita diyan sa Marko na yan.”
Lumiwanag naman ang mukha niya. Grabe talaga ang babaeng to. nasaktan na’t lahat pero mahal pa rin. Martyr na ata. Aish!
“Tulog na nga tayo, best.” Pag-aaya ko.
“Sige. ^.^”
Masaya na lang ako kung masaya siya. :)
[A/N: may pagka sweet din pala si crystel? ahahaha]
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Подростковая литератураHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD