Entry 17

18 1 0
                                    

Anooooo daw?? ?? Nawawalang kuya ni Kane?? Paanong- -

“Maupo ka muna’t ipapaliwanag ko. Alam kong gulung-gulo ko. Pati ikaw Kane.”

Para naman akong timang na sumunod. Umupo kami. Si president sa harap ko at si Kane sa tabi ko.

Napansin kong nakatitig ang mag-ama sa akin. Nailing naman ako. D:

“Uhm. . . Ano po yung sinasabi niyo kanina, President?” lakas-loob kong tanong.

“Simula ngayon, tawagin mo na akong papa.” Ano daw? Papa?

“Ten years ago ay nagbabakasyon tayo sa Hue island gamit ang barko. Gabi nun at naglalaro si Kane sa gilid ng barko at naksidenteng nahulog pero nakakapit siya sa railings. Ikaw ang nakarinig sa pagsigaw ng kapatid mo. Dali-dali mo siyang tinulungan. Nakuha mo siya at nailigtas pero ikaw naman ang biglang nadulas at nahulog ng tuluyan. Huli na ng malaman ko. Pinahanap kita pero di kita nakita. Pero hanggang ngayon eh pinapahanap kita, Lee.”

Huh? Wala akong matandaan sa nakaraan. Mga nangyari before ako mag ten years old. Ang nagpalaki sa akin eh ang mag-asawang mangingisda sa Mokpo Province. Si Nanay Loring at Tatay Genaro pero namatay sila anim na taon na ang nakakalipas. Pumalaot sila pero di na nakabalik pa.

Dun ko naisipan makipagsapalaran sa Seoul at dun ako nadiscover ni Angel-noona.

“Pero paano po kayo nakakasigurong ako nga ang nawawalang anak niyo?”

“Nung gumawa ka ng CF sa Gelleon Balon ay pinag topless ka para sa swimming scene mo diba?”

Tmango ako.

“Dun ko nakita ang hugis tatsulok na balat mo sa dibdib. Pero para makasiguro nagpa-DNA tes ako.”

“Huh? Wala naman akong natatandaang nagpa-DNA test tayo ah.”

“Naalala mo yung monthly check-up? Nagpakuha ako ng dugo mo bilang specimen sample at napatunayan kong match nga tayo.” At inabot niya sa akin ang isang envelope. Pagkabukas ko eh yung DNA test.

“M-Match nga.” Bigla akong niyakap ni Kane.

“Sorry kuya! Nang dahil sa akin, marami kang naranasang problema. Kinikwento mo sakin ang mga pghihirap mo sa Mokpo Province at ngayon alam ko ng ako ang dahilan ng mga yun. Sorry!” umiiyak na si Kane.

Tinapik ko ang balikat ni Kane. Kaya pala, ang gaan ng loob ko sa kanya. Kapatid ko pala. Haha. Niyakap ko na rin siya.

Kumalas ako at tiningnan si President este si. . .

“Pa. . . Pa?” Tinitigan niya ko at may bumabadyang luha sa mga mata niya.

“L-Lee!” at niyakap niya ko ng mahigpit.

Mahigpit na mahigpit.

Bryell’s POV

RING! RING! RING!

Sino ba tong tumatawag nato? Ke aga-aga eh.

Yamot kong dinampot ang telepono.

“Hello!”

“Unniieeeeeee!” Nailayo ko ang telepono sa tenga ko.

Isang tao lang ang alam kong sumigaw ng ganito kalakas. Napangiti ako at inilapit ulit sa tenga ko ang phone.

“Abby! Napatawag ka ata, mahal kong dongsaeng?”

Oo, may kapatid ako pero sumama kay papa sa Pilipinas para asikasuhan ang natitira naming business (kung may natitira man. -_-) para di kami tuluyang ma bank-rupt. Eh kasi etong kapatid ko eh Daddy’s girl. Parang buntot na nga ni papa eh. Tss.

“Unnie! Ba’t parang di ka excited na makausap ako?” malungkot niyang sabi. Aish! Matampuhin pa rin hanggang ngayon. -_-

“Di naman. Bagong gising lang kasi ako. Mianeh, dongsaeng.” Paliwanag ko.

Sumigla ulit ang boses niya.

“Unnie! Miss na miss na kita. Baka uuwi na rin kami ni diyan ni papa. Mukhang nakagawa na siya ng paraan para di tayo tuluyang maghirap.”

“Talaga? Ano naman yun?”

“Ewan ko. Di niya pa sinasabi. Pagdating na lang daw namin sa Seoul.”

“Ganun ba? Eh kalian kayo babalik sa Seoul?

“Ewan ko din.” Aish! Kahit kelan talaga.

“Aish! Basta tatawag na lang kayo kung uuwin na kayo.”

“Sige, unnie. Annyeong.”

“Annyeong. Ingat kayo diyan.” At binabako na ang phone.

Sana naman maging okay na ang lahat.

[A/N: Sana nga Bryell, i feel you sister x.x]

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon