Entry 9

14 2 0
                                    

Marko’s POV

“Marko, yung fanmeeting sa Sabado huh?” grabe talaga to si Angel-noona. -.-

“Yes, noona.”

“Sige. Alis nako.” Dali-dali siyang lumabas ng bahay dahil may meeting pa siya sa president ng LHJ Studio.

“Aish! Wala na rin ang taong sermon ng sermon.”

Nagpakilala na ba ako sa inyo? Teka lang at babasahin ko ang 1st POV ko.

Ay! Di nga ako nakapagpakilala. Hehe! Ako nga pala si Marko Song. Everybody knows me pero bakit pa ako nagpapakilala sa inyo?” Aish! Nevermind na nga. Sikat na sikat akong artista ngayon dito sa South Korea. Ay! Tama na nga. Ang corny nito. Kasing corny ng author!!

“Ano bang makakain dito?”

Naghalungkat ako sa kusina.

“Puro canned goods. Ano ba yan?! Nakakasawa naman to! di naman ako pwedeng lumabas. Aish! Pagtiyagan ko na lang. gutom na rin ako.” Perfect example of soliloquy.

[Author: Oh? Alam niyo ang soliloquy? Hindi? Well, this word means talking to one’s self. In short: BALIW!  Meheheh! Thank you pala sa English teacher ko, dahil sa kanya nagka trauma ako sa spelling. Thank you, Ms. Ramos. :D]

Ano ba tong author nato?! Sulpot ng sulpot sa storyang to! Ikaw na lang kaya magbida kung di naman nakakahiya sa yo!

[Author: Mianeh (sorry) T.T]

Aish! Mas lalo akong nagutom sayo,kindmisseunbby!

Makapagluto na nga!

Di naman nagtagal eh natapos na rin ako sa pagluluto.

“Yum. Yum. Basta gutom, masarap ang kahit anong pagkain. Hehe.”

Habang kumakain eh bigla akong napahinto at napangiti. Naalala ko kasi yung nagyari nung isang araw.

_FLASHBACK_

“Noona! Nakakapagod namang maging artista!” Kakalabas ko lang sa Coffee Prince, ang paborito kong café. Sarap kasi ng double espresso at rice cake nila eh. ^.^

“Bakit naman?”

“Eh, kailangan ko makipagplastikan. Katulad kanina. May babaeng nadulas edi tinulungan ko pa tapos napuwing naman. Natagalan tuloy ako! Di ko naman pwedeng hayaan na lang kasi nakatingin samin yung barkada niya ata.” Reklamo ko.

Napangiti naman si Angel-noona. Mas nainis tuloy ako. Alam naman kasi nun ang totoong ugali ko. Suplado ako. Oo, suplado ako! Sa mga taong nakakakilala ko lang talaga sa akin ko lang napapalabas ang totoong ako.

“Lintek na stereotyping kasi yan oh! Pag artista dapat mabait? Palangiti?”

“Haha. Marko. Ganyan talaga ang pinasok mong trabaho. Kung ayaw mong masira ang image mo, dapat maging mabait ka.” Paalala niya.

“Alam ko naman yun, noona eh. Pero minsan nakakainis lang!”

“O siya. Pasok na at may appointment pa tayo sa Bazaar.” Sumunod ako. Gusto ko na ring maupo.

Nung nakaupo nako. Naalala ko yung babae kanina. Maganda siya huh. Pero immature naman. Tssss!

POK! POK! POK!

Hala! Ano yun? Tumingin ako sa may bintana. Teka! Siya yung babae kanina ah.

“Oppa! Sandal! Itigil niyo muna!”

Mukhang nakilala na niya ako. Siguro dahil sa sinag ng araw, di niya ko namkuhaan. Tsss!

“Kilala mo ba yan?” tanong ni Angel-noona.

“Tsss. Hindi noh! Yan yung tinulungan ko kanina. Di ako namukhaan kanina eh. Siguro sinabi na ng barkada niya kung sino ako at ngayon naghahabol. Tsss! Annonying girl!!”

“Hmmm. Ok.”

“Hyung! Bilisan niyo pa!” utos ko sa driver.

_END OF FLASHBACK_

“WAHAHAHAHAH! Nakakatawa yung itsura niya habang tumatakbo. Lumalaki pa ang butas ng ilong niya! WAHAHAHAHAH!” maluha-luha na ako sa kakatawa. Phew!

“Tss. Annoying girl.” Napapangiti kong sabi.

[A/N: i'm scared! x.x]

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon