Entry 20

28 3 0
                                    

Bryell’s POV

“ANOOOOO!??”

Aray! Nabingi ata ako sa sigaw ni Allie, Ricci at Elah ah.

“Narinig niyo naman ang sinabi ko at ayoko ng ulitin yon!” pahayag ko.

“Best, paanong magpapakasal ka na?”-Ricci

“Eh, yun talaga. Trending ulit ang fixed marriage ngayon.”

Huwag ka ngang magbiro, best.” –Elah.

“Hindi ako nagbibiro. Ikakasal na talaga ako sa hindi ko kilalang lalake.”

“Paano nga nangyari yun?” tanong ni Allie.

“Eh sa eto ang paraan para hindi kami tuluyang maghirap. Kailangan kong magsakripisyo para kay papa at Abby.” Malungkot kong sagot.

“Eh, best. Paano na yung pantasya mo kay Marco Song?” si Crystel.

Napatigil ako. Oo nga. Paano na si Marco?

“Haaaaay!” bumuntong-hininga na lang ako.

“Sa lalimng buntong-hininga mo eh alam na naming nagdadalawang-isip ka, Bryell.” At tinapik ni Ricci ang balikat ko.

“Hindi, best. S-Sigurado na ako.”

“Hay naku,best!” At hinug ako ni Crystel. Hinug na rin nila akong lahat.

“Kahit pandak pa siya. Kahit panot pa siya. Kahit mabaho pa hininga niya. Kahit pimples pa siya na tinubuan ng mukha. Susuportahan pa rin kita, best.” ‘Pampalubag-loob’ ni Crystel.

“Salamat, best huh? Ibang klase ka talagang mag-comfort. Gumaan loob ko. Grabe!” napapangiti kong sabi.

Mas lalo nilang hinigpitan at yakap niya.

“I know, best. I know.”

Si Cryseal talaga oh. :D

Pero. . . handa na ba akong magpakasal?

The Wedding Day

“Best! Ang ganda mo, best!!!” puri ni Ricci. Nginitian ko lang siya.

“Tama si Ricci, best. Ngayon ko lang napagtantong maganda ka pala.” Sabad naman ni Crystel.

“Tss. Kaw talaga, best. Matagal na akong maganda.”

“Anong magagawa ko? Nagayon ko lang nalaman?” biro niya.

“Hahaha. Ewan ko sayo! Ahahaha.”

“Sa wakas tumawa ka na rin.”-Allie

Napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanila.

“Best, wala na ba talagang atrasan to?”-Elah

“Ano ba kayo? Siyempre, wala na. sigurado na ako. wala ng atrasan.”

“Basta, best. Pag gusto mong umatras, susuportahan ka namin. Ihahandana naming ang run away vehicle mo.” Sabi ni Ricci.

Napangiti ako. :D

Bigla namang pumasok si Abby at Papa.

“Unnie!! Ang ganda mo!” at niyakap niya ako ng mahigpit.

“Pa. . . “

Napansin kong naluluha na naman si papa.

“A-Anak. . . “

“Papa naman eh. Parang kayo ang ikakasal niyan eh.” Biro ko.

“Wag kang mag-alala, papa. Kaya ko to. Ako pa! Mana ata ako sayo. Haha” pagpapatuloy ko.

Sa wakas, ngumiti na rin si papa.

“Ayan! Gwapo na ulit kayo, papa.” At niyakap ko siya ng mahigpit.

Bigla naman bumukas ang pinto.

“Magsisimula na ang kasa in 10 minutes.” Sabi ng wedding coordinator.

Tumango lang ako.

“Tara na, oaoa?”

“Tara na, anak.”

_Wedding Hall_

“Kapal naman ata ng veil nato?!” naiinis na bulong ko.

“Halos wala na akong makita ah!”

Binuksan na ang pinto at isa-isa ng pumasok ang mga dapat mag-martsa na hindi ko naman kilala.

Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin kong konti lang tao. Siguro mga close family friends lang.

Inaninag ko ang groom pero malayo eh at makapal ang veil ko! Grrr!

“Anak. Tayo na.”

“A-Aah. O-Opo, papa.”

At nagsimula na kaming maglakad ni papa.

Habang papalapit na kami ni papa sa groom eh uni-unti kong naaninag ang groom.

Teka. . .  Parang kilala ko yun ah.

Si. . . Si. . .

“Kane Yoo.”

[A/N: Kyaaaaah! I am sooooo happy at naka update ako!! Silent readers, one comment don't hurt. ^.^v]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon