Entry 3

26 2 0
                                    

Marko’s POV

“Ano?? May fanmeeting na naman, Angel-noona? Nakakapagod na ah! Diba yung isang linggo lang eh nagkaroon ako ng fanmeeting? Ngayon meron na naman??” inis kong sabi sa manager ko. Aish! Nakakainis naman to si Angel-noona oh. Basta kahit anong magpagkakakitaan ay sinusunggaban. Di lang man inisip na tao lang ako at napapagod din! Aish! Ang nakakainis pa, siyempre sa isip ko lang to sinasabi lahat kasi si Angel-noona pa rin ang umahon sa akin sa kahirapan. Hay!!

“Hindi naman nakakapagod ang gagawin mo Marko eh. Tulad ng dati, ngiti ka lang, kaway doon, kaway dito. Pirma dito, pirme doon. Diba ang dali?” ngiting-ngiti niya pang sabi dahil alam niya namang di ako makakatanggi o mas tamang sabihing wala naman akong magagawa.

“Oo na. ano pa bang magagawa ko, noona?” ngumiti na rin ako para matapos na ang usapan at makaalis na siya at nang makatulog na ko ulit. :)

“Good. That’s my boy. Oy! Wag mo ngang kalilimutan ang photoshoot mo sa Bazaar bukas. 10 o’clock am yun. Huwag na huwag kang mele-late. Okay?”

Para talaga siyang sirang-plaka. Alam niyo ba kung ilang beses niya ng nasabi yun?? Pang labindalawa niya nay an. -.- Again, wala pa rin akong magagawa. ~.~

“OO na, Angel-noona. Quotang-quota ka na sa paalala ah. Sige alis ka na at ng makapagpahinga na ako.” yamot kong sabi.

“Sige. Bye.”

“Mag-iingat ka, noona.”

Hinintay kong maisara niya ang pinto sa kwarto ko, pinto ng bahay ko at ang tunog ng papaalis niyang kotse.

“Yes. Wala na si Angel-noona. Makakatulog na ako ulit ng mahimbing si Marko Song.”

ZZZzzzzzz. -.-

[A/N: pasensiya na hindi masyadong mahaba. ahahah ^.^v tinamad ata ako ng ginawa ito. peace:))]

She's My. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon