Bryell’s POV
Kumakain kami ngayon sa Coffee Prince Café. Dito ang tambayan naming lima. Bukod sa masarap ang kape lalong-lao na ang double espresso masarap rin ang rice cake nila. Ito ang binabalik-balikan namin. Isa pang rason, konti lang ang tao dito.
[Author: Aminin mo na, may isa ka pang rason eh.]
Aish! Okay! Suko na ako. balita kong ito daw ang paboritong café ni Marko-oppa. Kaya madalas kami dito hanggang sa naging paboritong puntahan na naming ito. Kaya lang, kahit minsan, hindi ko pa talaga siya nakakasabayan sa pagpunta rito.
“Hay! Kay lupit talaga ng tadhana. T.T” bulong ko sa sarili ko.
“Anong binubulong-bulong mo, best?” sita sa akin ni Ricci.
“H-Huh? Wala ah.” Nahihiya kong sabi.
“Kuuuuu! Makikipagpustahan ako ngayon. Lahat ng pag-aari ko, pati kaluluwa ko isusugal ko. Si Marko Song na naman ang iniisip niyan.!” Kilala niyo na kung sino, si Crystel -.-
“Paano ka naman nakakasiguro? Aber?” hamon ko sa kanya.
“Bakit? Hindi ba? Alam naman ng lahat na crush na crush mo siya. Kaya mo laging pinupuntahan tong café eh dahil umaasa kang makikita mo siya. Pati nga sa news reporting mo eh nakakasingit ka pa ng articles tungkol sa kanya! Napapaniginipan mo nga siya parati eh. Ngayon, sabihin mo sa aking di siya ang iniisip mo.?” Confident niyang sagot.
Matiim nila akong tiningnangn apat. Nakakatunaw! Ganun ko na ba talaga ka crush si Marko Song? Di ko na napansin na ang lalim na ng paghanga ko sa kanya.
“Masarap naman talaga ang kape nila rito ah. Malinamnam din ang rice cakes nila. Yung mga articles naman tungkol kay Marko Song eh natural lang naman yun. Dating estudyante naman siya ng University natin, pride rin siya ng school kaya dapat lang na isali ko siya. Tsaka yung panaginip. PANAGINIP lang!!” super deny ako.
“Alam mo, best, sa kade-deny mo eh mas lalo kang nagmumukhang guilty.” Sabi nag minsan lang na magsalita na si Elah.
“Halata ka naman, best eh. Ang pinagtataka ko lang eh kung bakit ganun kalalim ang pagka crush mo sa kanya?”-Allie
Napabuntung-hininga ako.
“Hay! Oo na, inaamin ko na. I pledged for guilty! Ganito kasi yun. Yung nakuha ako bilang TV anchor ng school, binigyan ako ng mga videotapes ng mga former Sungkyunkwan anchors. Sabi ni Mr. Joel Ho (in-charge sa News Dept.) panoorin ko daw at pag-aralan ng mabuti ng makakuha ako ng ideya sa mga past anchors ng mas mapabuti ko pa ang pag-aanchor ko. Sinunod ko naman ang payo niya. Sa last videotape, nakita ko si Marko.”
“So dati siyang anchor nung nasa University pa siya?” tanong ni Ricci.
Tmango ako at nagpatuloy. . .
“Ang galing niyang mag-anchor. May sense lahat ang sinasabi niya at maganda ang boses. Dn ako nagsimulang humanga sa kanya.”
“Ah, ganun pala yun. So hindi mo siya nagustuhan dahil sa gwapo siya?” tanong ng inosenteng si Elah.
“Hindi ah. Bonus nay un. Haha.”
“AHAHAHAHAHAH.”
_LAUGHTRIP_
“Maiba ako, best. Ayos ba ang pagkopya mo sa min? di ka ba nahirapan?”- Crsytel
“”Hindi naman, best. Thank you talaga mga besties huh??” Masaya kong sabi. :D
“Oh, Ricci, Elah, Allie, anong masasabi niyo sa exam? Atin nab a ang ticket?” –Crystel
Ngumiti sila, ibig sabihin sisiw lang sa kanila.
“Yessss!” excited kong tili.
“Makikita ko na rin si Marko-oppa, my loves!” inspired kong sabi. :)
“Ang swerte mo talaga at naging bestfirend mo kami.”-Crsytel
“Haha. Oo nga eh. Pero minsan malas din kasi- -“ di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi biglang sumakit ang tiyan ko. Naku naman!
“Anong nanyari sayo, best?” nag-aalalang tanong ni Ricci.
Nag-alala na rin ang mga mukha nilang apat.
“Ah. Biglang sumakit ang tiyan ko eh. Magbabanyo lang ako sandali.”
At nagmamadali na akong pumunta sa banyo para ilabas lung ano ang dapat ilabas. Kyaaaa! Ang sakit talaga! Omo!! >.<
[A/N: eto pa isang walang kwentang chapter. lol. sana magustuhan niyo naman kahit konti. leave a comment please (puppy-eyes) :D ]
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Teen FictionHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD