“Sige. Alis nako. Sana ito na ang huli nating pagkikita. Adios.” At umalis na siya.
Matagal na siyang wala. Biglang nawala ang sakit ng pwet ko dahil mas masakit ang puso. Ang sakit! T.T naiiyak na naman ako. Tumayo ako at umalis sa café.
Di ko na masyadong nakikita ang dinaraanan ko dahil blurred na rin ang mga mata ko dahil sa mga luha ko.
Kinuha ko ang panyo ni Kuya Myst. Lagi kong dala to, baka sakaling magkita kami. Di naman siguro kami magkikita ngayon kaya gagamitin ko muna.
“Waaaaaaaaah! Pangalawang bese na kong pina iyak ng lalakeng yun. Bwiset siya!!!! Huhuhu.”
Di ko namalayan, nakarating ako sa parking lot ng Plump Mall. Malapit nga lang pala ang mall sa Coffee Prince. Napgod ako sa kakalakad kaya naki sandal ako sa isang motor. Sandal lang naman eh. Hay!
“Sweet girl?”
“Huh? Sino yan?” at lumabas ang isang gwapong lalake. Pero siyempre mas gwapo pa rin si Marko—Aish! Ba’t ko ba naiisip yung bwiset na lalakeng yun?? -_-
“Sino ka?”
“Sweet girl! It’s me. Kuya Myst?” at lumapit siya sa akin. Lumiwanag ang mukha ko.
“Kuya Myst? Ikaw ba talaga yan? Ba’t wala kang sunglasses at cap? Hehe.”
“Haha. Importante ba yun? Anong ginagawa mo dito?”
“Huh? Wala naman. Napadaan lang. (singhot)”
“Teka. . Umiiyak ka na naman ba?”
“Huh? Di ah.” At nagpunas ako ng mag luha ko.
“Umiiyak ka eh.” Tiningnan niya ang panyo.
“Panyo ko na naman ang gamit mo.”
“Ay! Sorry. Lagi kong dala to baka sakling magkita tayo pero nagamit ko na naman. Sorry.” (singhot-singhot din pag may time)
“Ano ka ba? Okay lang yun. Bakit ka ba umiiyak?”
“Napuwing lang ako, Kuya Myst noh. Haha.” Ayoko ng sabihin ang nangyari kanina. Masasaktan lang ako ulit.
“Parang di naman eh. Bakit ba talaga?” pagdududa niya.
Ngumit ako at. . . “Napuwing nga lang. Haha. Ikaw, anong ginagawa mo dito?” pag-iiba ko.
“Motor ko kasi yang sinasandal mo eh.”
“Ay! Ganun ba? Sorry. Haha.”
“Ba’t ka ba sorry ng sorry? Huwag mo ngang habit yang pagso-sorry kung di naman kailangan. Once it becomes a habit, mahirap na yang tanggalin.” Ngumiti siya. Bakit parang may kamukha siya?
“Ah. . . Tama ka nga. Sorry.”
“Yan ka na naman sa sorry mo eh.”
“Haha. Oo na.” Tumawa kaming dalawa nang may bigla akong maalala.
“Teka, ano nga bang pangalan mo?”
“Ikaw muna, anong pangalan mo sweet girl?”
“Ako si Bryell Choi.” Inabot ko ang kamay para makipag-kamay. Weird! Di naman ito ang una naming pagkikita pero ngayon palang kami magse-shake hands. Haha.
Lumapit siya at kinuha ang kamay ko.
“Ako nga pala si. . . Kane Yoo.” At ngumiti siya ng pagka tamis-tamis.
“Kane Yoo!!?? Ikaw yung artista at matalik na kaibigan ni Marko Song?” gulat na gulat kong pahayag.
“Uhm. . . You’re right. That’s me.”
“Wow.” Nasabi ko na lang.
“Can I be your friend?” tanong niya na ikinabigla ko. Siya, si Kane Yoo. Tinatanong ako kung pwede ko siyang maging kaibigan??
“Ano ka ba?! It’s my pleasure noh. Atsaka, umiyak nako sayo di pa bay un friends? Haha” tumawa rin siya.
“Oo nga.” Tumingin siya sa relo niya.
“Gumagabi nap ala. Tara, hatid na kita.”
“Naku! Nakakahiya! Wag na. baka makaabala pa ko sayo. Baka may mga schedules ka pang pupuntahan.” Tanggi ko.
“Tss! Hindi no. Free time ko ngayon. Kaya’t tara na, Bryell?” sumakay na siya sa motor niya at inabot ang kamay niya.
“Sige na nga!” at kinuha ko ang kamay niya at inalalayan niya kong makaupo ng maayos sa motor niya.
“Oh. Helmet.” Kinuha ko ang itim na helmet at sinuot. Hmm. In fairness, mabango siya. Hehe.
“Salamat.”
Di ako sigurado kung san hahawak kaya sa scarf niya na lang ako humawak.
“Ack! Ack! Teka. Nasasakal ako.” Reklamo niya.
“Ay! Sorry.” Sa balikat niya na ako kumapit.
“Ano ka ba? Sa bewang ang kapit.”
“Huh? Ah. . . Eh. . . Sige na nga.” Kumapit na ako pero di masyadong mahigpit. Baka sabihin niya sinasamantala ko siya. ^.^
“Ready?” tanong niya.
“Yes!” sagot ko.
“Okay! Hang on tight!” at pinaandar niya na.
Aaaaaaaaaah! My gosh! Ang bilis! Mas napakapit ako ng mahigpit at sumandal sa malapad niyang likod at pinikit ko ang maga mata ko.
Pagkalipas ng 15 minuto.
“Oi, Bryell. Narito na tayo.”
Napamulat ako. kinapa ko ang sarili ko.
“Buhay pako! Yehey! Haha!”
“Tsss. Baliw. Sige alis nako.” Paalam niya.
“Teka. Di ka ba muna papasok?”
“Di na. Sa susunod na lang. magkikita pa naman tayo eh.” Kinindatan niya ko at pinaandar niya na ang motor niya. Umalis na siya at. . .
“Salamat. INGAT KA!” sigaw ko. Di pa naman siya nakakalayo. Nakita tinaas niya ang kaliwang kamay niya at winave ito.
“Hmm. Kane Yoo.”
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Teen FictionHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD