Bryell's POV
“Crystel. . . Crystel. . .”
Sakalukuyan kong ginigising si Crsytel pero, Aish! Tulog mantika naman to oh.
“Best! Gising na, male –late na tayo sa school!” inalog-alog ko siya. Ayaw pa rin.
Etong sayo!! Lumapit ako sa tenga niya at. . .
“BEESSSSTTTTTTT!!!” I shouted at the top of my lungs. Hehe! Sorry, best. ^.^v
“Aaaaaaaaaah!” sigaw niya at sa sobrang gulat niya eh nahulog siya sa kama.
“Best, sa wakas gising ka na! Kanina pa kita ginigising.” Nakangiti kong sabi pero kinakabahan ako. alam niyo naman si Crystel. -.-
Tumayo siya at nakangiti sakin. Teka, nakangiti? :) uyyy! Nakangiti si best. Wala naman palang problema. Hehe.
“Best, ligo ka na para makapasok tayo ng maaga.”
“Best?” tawag niya in her sweet voice.
“Bakit?”
“Anong oras na?”
Tiningnan ko ang orasan.
“6:30, best. ^.^”
“Anong araw ngayon, best?”
“Ummm. Thursday, best. ^.^”
Biglang bumagsik ang tingin niya! Ang sama-sama ng tingin ni Crystel! Hala!
“B-Bakit ka ganyan makatingin, b-best?” kinakabahan kong tanong. O.O
“6:30 PA LANG NG UMAGA AT THURSDAY NGAYON!! DI MO BA ALAM NA PAG THURSDAY EH 10:30 ANG KLASE NATIN!!!”
Napakagat-labi ako. Naku naman!
“Sorry, best! Excited lang talaga ako. sorry na.”
“AISH! Kung di lang kita best friend, nasapak na kita!!” nag roll eyes pa siya.
“Sorry na, best!” nag puppy eyes ako baka gumana.
“Huwag ka ngang mag-puppy eyes. Di bagay sayo!” Hay! Di gumana -.-
“Pero bakit ka ba excited?” knot-noo niyang tanong.
“Kasi, best, ngayon na kasi ibibigay ang results ng mga exam. Ngayon na rin natin malalaman if mapapasaatin ang ticket ng fan meeting ni Marko-oppa, diba? Kaya excited talaga ako.” ngiting-ngiti kong pagpapaliwanag.
“Si Marko na naman. Oh siya! Matutulog muna ako. Gisingin mo ko pero huwag mo kong sisigawan. Understood??!!”
“Yes, ma’am!” napasalute pa ko. :D
_SA SCHOOL_
“Hi besties!” bati ko kanila Elah, Allie at Ricci. Nag hug kaminat sabay na pumasok sa classroom. Halos kasabayan lang naming pumasok si Ms. Bruha este Ms. Gelou.
“Good morning, class!”
“Good morning, miss!” sabay-sabay naming bati sa bruha.
Napansin kong di ngumingiti si Ms. Gelou. Bakit kaya?
Siniko ko si Crystel.
“Best, bakit parang di yata nakangiti si Ms. Bruha?”
“Malalaman mo rin mamaya.” Kumindat pa siya sa akin. Nagkibit-kibit balikat na lang ako.
“Ok, class. Ngayon ko na ibibigay ang results ng inyong exam. As you all know, ina-nouce ko last time na magbibigay ako ng ticket sa fanmeeting ni Marko Song. At ang maswerteng estudyanteng ito ay si. . . <insert drumroll please> . . . Bryell Choi!”
O.O Huh? Napanganga ako! Paanong ako? Tiningnan ko silang apat. Nakangiti lang sila. Ayaw pa ring sumara ang bibig ko! Waaaaaahhh!!
“Ms. Choi? Ayaw mo? Ibibigay ko na lang sa iba.” Walang kangiti-ngiting sabi niya.
“ Huwag!!” sigaw ko. Napatingin siya sa akin.
“Ay! I mean, huwag po. ^.^v”
Tumakbo ako para kunin ang ticket sa kanya. Binigay niya rin sa akin ang exam paper ko.
“Waaah! 90! Waheheheh!”
“Congrats, Ms. Gelou. Keep it up.”
“Thank you. . .” napatingin ako sa kanya at napakaseryoso ng mukha niya “. . .ma’am” Nakakatakot naman ang teacher nato. Bipolar ata eh! Bahala siya sa buhay niya. Basta ako ang nakakuha ng ticket. Ahahah! Ang saya ko! Nayakap ko ang ticket. Hehe. OA lang.
Tiningnan ko ang mga classmates ko. Ang sama ng tingin nila sa akin.
Classmate 1: Hala! Paanong siya?? Diba di naman katalinuhan yan??
“Classmate 2: Oo nga eh. Sa tuwing magtatanong nga si Miss eh halos magsumiksik sa upuan para di makita.
Nagbulungan pa kayo eh rinig naman eh. Aish! Pasensiya na lang kayo, desperado nako eh. Hehe! Wala na akong paki sa sasabihin nila basta ako ang nakakuha ng ticjet. Meheheh!
Bumalik ako sa upuan ko at ramdam ko pa rin ang mga masasamang titig nila. Pakiramdam ko ilang beses na akong pinatay sa isip nila!
“Best, paano nangyari yun?” bulong k okay Crystel.
“Maya ko na i-explain.”
“Sige. ^.^”
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Teen FictionHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD