Marko’s POV
Oo, alam ko iniisip niyo. Ang sama ng ginawa ko sa annoying girl nay un. Eh anong magagawa ko. Ganun talaga ko eh. Tss! Teka. . . Ba’t ba ako nagpapaliwanag sa inyo? Tss!
TOK! TOK! TOK!
“Sino naman yun? Huwag naman sana si manager. Aish!”
Pumunta nako sa pinto at binuksan ito.
“Marko! Hehe!’
“Ikaw lang pala. Akala ko si Angel-noona na at sesermunan na naman ako.” Ngumiti na rin ako.
“Di mo ba ako papasukin? Haha. Nagdala pa naman ako ng soju.” At tinaas niya pa ang mga dala.
“Haha. Kaw talaga. Pasok ka na nga, Kane!”
Siya si Kane Yoo, matalik kong kaibigan. Ewan ko ba at napakalapit ng loob ko dito sa batang to. mas bata siya sa kin ng dalawang taon.
Nagsimula na kaming uminom at nagkwentuhan.
“Teka, maiba ako. nabalitaan ko yung nangyari sa fanmeeting mo ah. Nakakaaliw naman yun!”
“Ah, yun ba? Tss. Just some random annoying girl.” Sagot ko.
“Annoying girl?” kunot-noong tanong niya. Parang lumalim ang isip niya.
“Tss! Wag na nga natin siyang pag-usapan. Haha! Teka. . . Ba’t wala ka ng araw nay un?”
“Ahh. Dumating ako pero di na tuloy ang fanmeeting mo kaya umuwi na rin ako.”
“Ganun ba? Sisiguraduhin mong di ka male-late sa movie screenin natin. Hari ka pa naman ng mga LATE! Haha!” pagtutukso ko sa kanya.
“Haha. Oo na. Cheers?” tinaaas niya ang baso niya.
“Cheers!”
Bryell’s POV
Love mo na siya!
Love mo na siya!
Love mo na siya!
Love mo na siya!
Love mo na siya!
“Aish! Umalis ka nga sa isp ko! Nanggugulo ka eh!”
Ang lalim na ng eyebags ko kasi palaging umuulit-ulit yung sabi ni Ricci.
Umiling-iling ako.
“Di pwede to! di ako pwedeng mainlove sa kanya!”
Naglalakad ako ngayon at nagsasalitang mag-isa. Baliw na ata ako eh. Waaaaaaahh! Sa sobrangfrustrations ko eh tumakbo na lang ako. Patungo ako ngayon sa Coffee Price para mag unwind. Oo, ako lang mag-isa kasi sa tuwing kasama ko sila, mas naguguluhan lang ako. -.-
Malapit na ako nang. . .
BOOOOGGGSSHHHHH!!
“Naku naman! Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo!” singhal ko sa lalakeng nakabangga sa akin. Hinimas-himas ko ang pwet ko. Ang sakit! :(
“Ikaw na naman??”
“Huh? Anong ako- -“ tumingala ako at. . .
“OH EM GEE! Marko song??” di ako makapaniwala.
“Tsss! Annoying girl, need help?” at inabot niya ang kamay niya.
“No thanks. I can handle.” Mataray kong sagot at tumayo pero natumba ulit ako at sinalo niya ako. (GASP!)
“You can handle pala huh?” at ngumisi pa ang loko. Inalalayan niya ko papasok sa Coffee Prince at pinaupo sa upuan.
“Oh, Marko. Anong nangyari kay Bryell?” Si Kuya Arthur, ang may ari ng café.
“Nagkabanggaan kami sa labas eh.”
“Ganun ba? Okay ka na ba, Bryell?” nag- aalalang tanong ni Kuya Arthur.
“Opo, medyo okay na naman rin. Masakit lang konti ang pwetan ko.” Ngumiti ako ng pilit pero mukha atang ngiwi ang kinilabasan. Aish!
Lumabas si Ate Andy, girlfriend ni Kuya Arthur. ^.^
“Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Mabuti at nandun ka Marko. Napakabait mo talaga kahit kelan, Marko.”
“Tss. Mabait?” singit ko. Sinamaan niya ko ng tingin. Hala!
“Sabi ko nga po. Di lang po siya mabait, ate Andy. Mabait na mabait po. ^.^” Hindi po! Nagsisinungaling ako! ubod siya ng sama! Aish! Pero siyempre, di ko pwedeng sabihin yun. -.-
Ngumiti naman siya ng sinabi ko yun.
Tse! Plastic ka!!!! Bakit kasi sayo pa ako nain-love??!!
Teka! Nainlove?? Kung ganun love ko na talaga siya??
“HINNDDIIIIIII!!!” Hala! Bakit ako sumigaw??!!
Tumingin ako kay Kuya Arthur à O.O
Kay Ate Andy à o.O?
At si Marko à -_- Ano yun? No reaction?
“Ah. . .Eh. . . Wala yun. Wag niyo kong pansinin. Analog lang konti ang utak ko kanina. Hehe. v^.^v” tumango lang sila.
Whoooo! Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na nga talga ako nang dahil sa lalakeng nasa harapanko. Nooooo! Lord, bakit sa lalakeng to pa Niyo ko hinayaang main-love? Bakkiiiittt? T.T
“Ah. Anong gusto mong orderin, BRYELL?” talagang diniin niya ang pagkasabi ng Bryell ko huh. Plastik talaga ang lalakeng to kahit kelan! Kanina lang kung makatawag ng ‘Annoying Girl’ parang first name ko lang. Tss!
“Ah. Double espresso at rice cake na lang. Thank you!” sakyan ko na lang. -_-
“Uy! Parehas tayo ng order ah, ni-research mo ba ang mga paborito? Hehe.” ngumiti pa siya ng ”pagkainosenti’.
Nilapit niya rin ang mukha niya sa mukha ko. Mag 2 cm na lang. Umatras ako kasi maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.
“Hindi ah! Bakit ikaw lang ba ang pwedeng uminom ng double espresso at kumain ng rice cake??” hinanaan ko lang ang boses ko para hindi marinig nina Kuya Arthur at Ate Andy.
“Hindi naman. Akala ko lang kasi stalker kita!”
Tiningna ko siya ng masama.
“TSE! Mahiya ka nga. Ayoko na sayo noh! Akala mo kung sino ka!” Pakiramdam ko may usok na lumalabas sa ilong ko. Nakakainis kasi eh. Masyadong feeling!
Nagkibit-balikat lang siya,
“Edi, good. Sige. Kukuha lang ako ng order natin.”
After niyang kunin ang order naming ay bumalik siya sa table ko.
“Oh. Eto order mo.” Kinuha ko.
“Thanks.” Tinuruan naman ako ng papa ko ng Good Manners at Aright Conduct.
“Sige. Alis nako. Sana ito na ang huli nating pagkikita. Adios!” at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
She's My. . .
Teen FictionHe's a celebrity. She's a fan. What if one day, they'll meet?? hmmmm. interesting XD