RHSC 2

158 5 0
                                    

AUDREY

Buong maghapon akong nagtrabaho pero maaga akong umuwi dahil nga may lakad ako. Dumaan si Sir Andreu sa Cafe para tanungin kung pupunta ba ang madramang Clyde sa party ng kaibigan nilang si Drake. Buti pa sila... masaya sila para sa kaibigan nila. Bakit ako hindi ako masaya para sa kaibigan ko?

*Phone Ringing*

Kinuha ko ang nagwawalang cellphone sa ibabaw ng unan.

*YNA CALLING...

"Ano na naman ba?" Bungad ko. Pang ilang tawag na niya ito simula kaninang nakauwi ako.

"Ipapasundo na kasi kita?" Halata ang kaba sa boses niya.

"Hindi na nga kailangan, isasabay ako ni Clyde." Sabi ko habang sinisipat ang sarili sa salamin.

"Malay ko ba... baka mamaya magkakuntsaba kayo ni Clyde! Baka hindi ka pumunta dito!" Paghihisterya nya.

"Seriously Yna? Kapag sinabi ko ginagawa ko. Kailan ba ako hindi tumupad?"

"Wala pa. Baka kasi ngayon iyong unang beses na hindi ka tumupad. Knowing you, sobrang against ka dito." Alam niyang against ako pero para sa kanya pupunta ako.

"Pupunta ako. Relax ka lang. See you later!" Paalam ko na. Baka hindi nga ako matuloy kapag nagdrama pa siya.

*CAR BEEPING*

Saktong sakto ka naman sa pagkakataon talaga Clyde! Mabuti yan!

Sinipat ko pa ng isa pang beses ang sarili ko sa salamin bago kinuha ang clutch bag at bumaba na.

Hinila ko na pasara ang pintuan at tsaka dali daling lumabas ng gate.

Pagtapat ko sa harap ng kotse, tsaka ko lang narealized, hindi ito kotse ni Clyde! Sino to? Kanino ito? Anak ng tokwa talaga si Yna! Ipinasundo nga ako!

Bumukas ang pinto ng drivers seat. Unti unting lumbas ang isang lalaki mula sa loob. At hindi nga siya si Clyde Chua.

Omg! Ang gwapo niya!

"Hi! Clyde will be late kaya ako ang pinadaan niya dito. Let's go?" Sabi niya sa ever poker face niya. Pero kahit ganun ang gwapo parin!

"A-ah... pwede naman mag commute nalang ako. Tama.. magcocommute nalang ako." Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagiinarte ko pa.

Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Nilabas niya ang phone niya at saka may dinial.

Naka speaker mode kaya rinig ko kahit pa ang pagriring. Mas lalo ako na awkward! Baka sabihin nya usisera ako! Baka maturn off sya sakin!

"zup bro?" Boses ni Clyde.

Tumingin sya sakin at niluwagan ang necktie nya. Nakakahiya na talaga lalo. "Well I'm here in front of her house and she's in front of me, but she wants to commute instead of going with me." Walang kalatoy latoy nyang sabi. He looks so bored. Mas lalo akong nahiya!

"I presume i'm on speaker mode so... hey Aud! Sumabay kana sa kanya! Malelate ako so you better go with him. Tsaka mahiya ka nga, hinanap nya pa bahay mo FYI." Sabi ni Clyde. Nanlaki ang mata ko. So malamang sa malamang bagot at irita na sya dahil hinanap nya pa ang bahay ko!

"Shut up, monkey!" Asik ni Andreu. Ngayon ko lang sya narinig na ganyan. Bakit ba kasi ang pag iinarte ko pa!

"Ah... ano sige po. Sasabay na ako. Sorry sa abala." Nahihiya kong sabi. Tumingin lang siya sakin at pumasok na ulit sa drivers seat.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon