RHSC 1

364 6 1
                                    

AUDREY

Nakakainis na talaga ang mga tao ngayon! Lalo na 'yong mga nagmamaganda na mga 'yan! Hindi porke't empleyado lang ako ay kailangan nya akong pahiyain! Mayaman lang s'ya! Pero hindi sya maganda! Eh ako, kahit mahirap ako, mukha akong dyosa! Bwisit na bruhang 'yon!

"Can you tell me what happened earlier?" napapitlag ako sa baritonong boses ng Boss ko.

"Sir, matatanggal na po ba ako?" mas okay ng unahan ko s'ya. Para makaisip pa ako ng paawa na wag n'ya akong tanggalin. Sayang ang dalawang taon ko dito!

"Gusto mo na ba?" tanong n'ya ulit sakin habang tinataas ako ng kilay.

Mabait naman 'tong Boss ko. Iyon nga lang maloko. Bata parin naman kasi s'ya. Teka, bata pa ba ang 23? Haha! Matanda lang sakin ng isang taon?

"Syempre Sir, hindi. Nagtatanong lang naman ako." pabiro ko na ring sagot. Nakikipagbiruan s'ya pero mamaya papagalitan na ako.

"Ano na naman bang nangyari at natapunan mo 'yong babaeng customer kanina?" nakangisi n'yang tanong. Nagagalit na sya sa lagay na yan kasabay ng pang-aasar.

"May tiningnan lang, Sir." Ikaw kasi talaga ang may kasalanan Sir, e! Tapos ngingisian mo ako! >_< Kung di mo sana dinala na naman dito 'yong kaibigan mo dito edi sana hindi ako laging nakakadisgrasya.

"Si Andreu?" humalakhak s'ya.

Sira-ulo ka Sir Clyde! >_<

"Hindi ah!" tanggi ko at kumuha na ng tray. Ay defensive! Sarap sapukin ng sarili ko.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" natatawa parin s'ya.

"Bahala ka d'yan Sir! Magtatrabaho na ako." Sabi ko.

"Wow! Sipag mo naman? Diba opening ka kanina? Out mo na ngayon."

Agad naman akong napatingin sa relo kong ubod ng mahal. Wag kayo, 50,000 'to! Bangketa edition. Haha!

"Oo nga 'no?! Salamat sa paalala, Sir! Bait mo talaga." Sabi ko ng magiliw sa kanya.

"'Wag ka ngang gaganyan sakin. Hindi i-epekto. May kasalanan ka. Bayaran mo yung dalawang basong nabasag mo." Dumila pa s'ya sakin bago naunang umalis.

Aangal pa sana ako kaso huli na. Wala na s'ya sa harapan ko. huhu! Magbabayad na naman ako! Hindi naman ako ang nakabasag ako parin magbabayad. Kasalanan 'to ng pangit na 'yon!

Dumiretso na ako sa locker ko para makapagpalit ng damit at makauwi na. Pagkatapos, dumiretso ulit sa counter para mag-out.

"Uuwi kana Audrey?" tanong ni Anton. Waiter din s'ya dito. kasing edad ko,medyo matipuno at gwapo, kaya kapag shift na n'ya biglang dumadami ang customer na babae. Madalas mga estudyante galing sa university na malapit dito sa Cafe' C.

"Oo Ton. Opening shift ko ngayong linggo eh." sabi ko.

"Ah.. akala ko pa naman makakasabay kita pauwi." Panghihinayang n'ya.

"Nako! Ikaw talaga. Manlilibre ka na naman ng pamasahe. Pareho lang tayo nagtatrabaho. Magtipid ka nga!"

"Nagtitipid naman. Para sampung piso na libre lang naman 'yon. Tsaka marami na kong ipon. Pwede na nga kitang ---"

"Excuse me, can I have a glass of water?"

Naputol ang sinasabi ni Anton dahil sa biglang pagsulpot si Sir Andreu.

OMG!!! <3

"Okay, Sir. Dadalhin ko nalang po sa table n'yo." Sagot naman ni Anton bago umalis at iniwan ako sa counter.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon