RHSC 12

155 5 1
                                    

AUDREY

Bigla akong nagising sa pagkakatulog. Nahihilo ako. Anong nangyayari sakin? Bakit nahihilo ako? Nasusuka rin ako.

Binuksan ko ang mga mata ko. Aba teka! Ano na namang ginagawa ko sa ospital? Pero mamaya ko na i-deal yan. Nasusuka talaga ako.

Bumangon ako sa kama at bumaba. Hila ko ang sabitan ng swero. Ayoko ng ikabit pa nila to ulit sakin.

Papasok na ako ng banyo ng makita ko si Yna at Clyde na natutulog sa sofa. Pero mamaya ko na rin sila pagtutuunan ng pansin. Sukang suka na ako.

Dumiretso ako agad sa banyo at nakipag kwentuhan kay manong inidoro.

Ghad! Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nahihilo? At bakit ganito ako? Wala pa akong nakakain, nasusuka na ako. Ack!

"Audrey, are you okay?" Tanong ni Yna na biglang sumulpot sa likod ko.

Hindi ako makasagot sa kanya, dahil nagsusuka parin ako. Pambihira! Ang hirap sumuka! Gusto ko na ilabas yung mga lamang loob ko!

Naramdaman ko ang kamay niyang humahagod na likod ko.

"Galit na galit ka ba sakin?" Malungkot niyang tanong habang hinahagod ang likod ko.

Niflush ko ang sinuka ko at tsaka humarap sa kanya. Inabutan niya ako ng tubig na ininom ko naman agad at inalalayang makabalik sa kama.

"Oo, galit ako sayo. Pero mas galit ako sa sarili ko." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ang tigas tigas ng ulo mo eh. Kung binabawalan kang makipagkita o puntahan ako, dapat hindi kana nagpupumilit. Nakakainis kasi, nasasaktan ka ng dahil sakin." Napatigil ako sa pagsasalita. Nagbabara ang lalamunan ko.

"Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ayaw ni Dad na puntahan kita."

Napatingin ako sa kanya. "Diba simula palang naman ayaw na niya sakin para maging kaibigan mo? Kasi masama daw ako sayo. Bad influence. Ngayon, ayaw ko ng magpumilit ka pa." Tinitigan ko siya mabuti sa mukha. Nang mapansin niyang may parte ng mukha niyang tumagal ang titig ko ay nag iwas na siya ng tingin. "Humarap ka sakin... HUMARAP KA SAKIN YNA!" Sigaw ko kaya nagulat siya.

"Tingnan mo nga! Tingnan mo ang nangyari sa mukha mo! Ang tigas tigas ng ulo mo! Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text mo dahil ayokong magpumilit ka. Gusto kong magpagoodgirl ka. Pero matigas ang ulo mo!" Bumuhos ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Masakit makita at makumpirma na sinasaktan nga siya ng daddy niya.

"Aud, please wag kang magalit. Bawal sayo ang mastress." Sabi niya habang umiiyak din.

"Bakit bawal?! Nakakainis ka! Umuwi kana! Tatawagan at itetext kita kung kaya na kitang ipaglaban sa daddy mo. Umuwi kana!" Pagtataboy ko sa kanya. Mas lumakas ang iyak ko. Ano ba naman to. Bakit ang OA ko naman atang umiyak?!

"Ayoko. Lalo na at ganyan ang kalagayan mo. Kailangan may kasama ka. Mahihirapan ka mag isa." Sabi niya. Ang tigas talaga ng ulo.

"Bakit? Ano bang kalagayan ang meron ako? Bakit ba nandito na naman ako? Ano namang nangyayari?" Humagulgol ako. Walangya! Bakit ba ako nagkakaganito? Nababaliw na ba ako?

Humalakhak si Clyde. "Hormones! Hahaha!"

"Anong itinatawa mo diyan!" Umiiyak kong sigaw sa kanya.

Lumapit siya sakin. Umusog naman si Yna. Hindi pa kami tapos mag usap!

"Tell me, did you do that?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Anong sinasabi mo?"

"That. That thing called making love." Tinitigan niya ako ng malalim. Yung titig na parang malalaman niya ang totoo gamit lamang ang pag tingin sa mga mata ko.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon