RHSC 11

164 5 1
                                    

AUDREY

Lumipas ang mga araw na nagagawan ko ng paraan para iwasan si Andreu.

Nakiusap ako kay Clyde na tulungan ako para maiwasan siya kaya inassign niya ako sa kusina. At pinagbilin niya rin na kapag may naghanap sakin, sabihin nagresign na ako.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako humingi sa kanya ng ganung tulong. Pero kahit di ko masabi ay naintindihan na niya. Iniisip nalang niyang ayaw ko lang makita si Andreu dahil iniiwasan ko na siya.

Totoo namang iniiwasan ko na siya. Pero may mas matinding dahilan parin kasi doon.

Tatlong linggo na akong sa bahay nila Clyde tumitira. Hindi rin maintindihan ni Mommy Celine ang nangyayari pero hindi nila ako pinagtatanong pa.

Isang beses palang akong umuwi sa bahay ko at iyon ay nung kumuha lang ako ng gamit ko. Mahirap mang mangapa sa dilim ay pinilit kong mapuntahan ang kwarto ko ng walang binubuksang ilaw. Alam kong malalaman ni Andreu dahil makikita niya sa cctv. Sa kwarto lang ako nagbukas ng ilaw dahil doon lang walang cctv.

"Anong kukunin ko sa bahay mo?" Tanong niya sakin pagkasakay sa kotse niya. Nasa loob na ako, sabay kaming pumapasok at nag a-out, tuwing papasok sa likod ng parking ako bababa, tuwing uuwi naman ay nauuna na ako sa kotse niya.

" yung tatlong t-shirt kong pampasok. Wala na akong tshirt. Hehe!" Sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng masama. "Pasalamat ka malakas ka sakin. Ayaw pa kasi, bibilhan na nga kita eh."

"Ibibili pa eh, meron naman. Kung ayaw mo ako na kukuha." Sabi ko na medyo naiirita.

"Sungit mo. Meron ka?" Sabi niyang nakangisi.

"Kapag masungit, meron agad? Di pwedeng inis lang talaga?" Umirap ako. Bigla nag init ulo ko.

"Psh. Sungit! Oo na po kukuhanin na." Sabi niya at nagdrive na. Parati akong sa likod nakasakay. Kasi tinted ang kotse niya at walang makakakita sakin kung sa likod ako. Pero kung sa harap makikita ako.

Hindi ko na rin maintindihan minsan bakit ganito ako magtago at lumayo sa kanya. Siguro dahil natatakot akong pag usapan pa namin ang nangyari noong gabing iyon.

Madalas parin siya sa cafe. Madalas ay hinihintay parin talaga ako. Minsan pa'y inaabot na ng gabi sa kakaantay. Naaawa na sa kanya si Clyde pero wala siyang magawa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako tatagal sa pagtakbo at pagtatagong ito.

"Shit!" Biglang sigaw ni Clyde.

"Bakit? Anong---" hindi ko na naituloy, dahil pagtingin ko sa harapan ay nandun si Andreu. Nakasandal sa kotse niya at masama ang tingin deretso kay Clyde.

"Nahuli na niya tayo." Sabi niya at kinalas ang seatbelt.

Bumaba siya pero nanatili ako sa loob. Lumapit si Clyde kay Andreu ngunit agad siyang sinuntok nito.

Hindi ko sila naririnig kaya agad akong lumabas at tumakbo para awatin.

"What are you doing Clyde?! You know I've been looking for her for weeks, and hindi mo manlang masabi sakin?! Bakit!? Tinatalo mo na ako?!" Sabi ni Andreu at sinapak muli sa mukha si Clyde na babangon palang kaya napahiga ulit.

"Andreu! Tama na!" Sigaw ko at agad na dinaluhan si Clyde.

"Dreu, she asked me for it. Ayoko mang itago siya sayo pero nakiusap siya." Paliwanag ni Clyde habang pinupunasan ang dugo sa putok na labi.

"So mas malakas na siya sayo ngayon kesa sakin na bestfriend mo?! You know she's my happiness and then there you are! Keeping her away from me! Fvck that!" Sinuntok niyang muli si Clyde. Nagpupuyos siya sa galit. Hindi manlang gumaganti si Clyde sa kanya.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon