AUDREY
Isang linggo na nang makalabas ako ng ospital. Nandito lang ako sa bahay lagi. Halos hindi na rin ako makapagkikilos dahil nga may mga bantay. Sineryoso ni Mommy Celine ang pagpapadala ng dalawang maids nila.
"Ma'am Audrey oh, tubig po." Sabi ni Ate Sabel.
Kinuha ko ang tubig na kayang inaabot. "Ate Sabel sabi ko naman wag ng Ma'am ang itawag mo sakin. Naiilang ako eh."
"Pero Ma'am--"
"Please???"
"Oh sige po, Miss Audrey." Sabi niya na nakayuko.
"Aysus! Walang ngang Ma'am, miss naman. Ate Sabel naman eh."reklamo ko.
"O siya siya. Sige na Audrey. Ayos na?"
Ngumiti ako sa kanya. "Ayos na ayos!"
"Batang to. Sige na uminom kana niyang gamot mo. Anong gusto mong ulam?" Tanong ni Ate Sabel.
"Gusto kong sinigang na pata. Hahaha! Ay sandali wala tayong stock nun. Kuha lang akong pera sa taas." Sabi ko sa kanya.
Isang linggo na akong di nakakapagtrabaho. Nag-aalala ako baka bago pa ako manganak ay naubos na ang ipon ko.
"Huwag na. May perang iniwan si Sir Clyde sa akin kahapon. In case daw may ipabili ka." Sabi ni ate Sabel at umalis na.
Aangal pa sana ako kaso wala na siya sa paningin ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Clyde.
"Bakit ka nag iwan ng pera kay ate Sabel?" Inis kong bungad matapos niyang sagutin ang tawag ko.
"Para pambili ng gusto mo." Simpleng sagot niya.
"May pera naman ako ah!"
"Alam ko naman. Pero tinutulungan nga kitang di maubos ang pera mo. Yang pera mo mauubos agad kung yang pride mo eh hindi mo ibababa." Sabi niya na may halong diin ang pagsasalita.
"Dumadami naman ang utang ko sayo. Nakakainis ka naman Clyde eh." Reklamo ko. Tama siya. Mauubos agad ang pera ko. Pero hindi ko kayang ibaba pa din ang pride ko.
Huminga siya ng malalim. "Are you going to stress yourself about it, Audrey?"
Hindi ako nakasagot. Naiinis na naman siya. Parang nung isang araw ay nag aaway rin kami.
"Can you just keep yourself healthy and don't worry about the money? I told you, wala lang sakin ang mga ginagastos sayo dahil kapatid kita. Do I have to repeat what I told you last time? Please lang. Hayaan mo na ako sa ginagawa ko para sayo. Okay?"
"Yes." Talo kong sagot.
Ibinaba niya ang tawag at natulala lang ako doon. Maswerte parin talaga ako kasi may mga taong nagmamahal sakin.
Dumating ang hapon, may bisita na naman ako.
"Ang dami dami naman niyan, Yna!" Reklamo ko. May pitong plastic bag siyang bitbit sa magkabilang kamay habang may nakasabit pang eco bag sa isa niyang balikat.
"Hindi ka lang naman mag isa dito. Tsaka para hindi kana mamroblema. Diba sabi ko, everytime dadalaw ako, ipaggogrocery kita? Tapos paglabas ni Baby, ako may sagot sa milk niya." Masaya at tunog excited niyang sabi.
Tuwing bibisita siya dito ay puro tungkol kay baby ang pinag uusapan namin. Excited na siyang lumabas ang baby ko kahit iisang buwan palang akong buntis.
Nakakatuwa lang na ang dami dami na niyang plano para sa anak ko. Kulang na nga lang ay sya ang managot sa anak ko.
"Salamat Yna!" Naluluha kong sabi habang nakatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
RUN and HIDE, SEEK and CHASE
Romance--- "I just wanna RUN from all of this, and HIDE from him so we could just forget each other..." --- "Whatever happens, I won't stop. I'll SEEK and CHASE after her. Abutin man ako ng ilang taon." *** The story might have typos, grammatical errors, w...