RHSC 15

102 3 3
                                    

AUDREY

Days passed by so fast. Akalain mo at 4 months na akong buntis. Ginawa na akong manager ni Clyde sa Cafe. Kaya lagi lang ako sa office sa tabi ng office nya.

Smooth naman ang pagbubuntis ko. Healthy kami ni Baby. Hindi na rin ako nakakaramdam ng cramps kaya alam ko. Okay kami ni Baby.

Madalas parin pumupunta sa bahay si Yna at Clyde. Kaya lagi magulo sa bahay. Minsan ay umuuwi ako sa bahay nila Clyde dahil sa request ni Mommy Celine. Lahat kami ay excited na kay Baby. 5 months to go, makikita na namin sya.

Medyo tumataba na rin ako. May shape parin naman pero tumaas na ang timbang ko. Ang takaw namin mag ina. Haha!

Sa tuwing magpapacheck up ako, never nawala sa tabi ko si Yna at Clyde. Yung feeling ko tuloy, paglabas ng anak ko. Spoiled sya sa dalawa.

Nagtataka yung mga katrabaho ko kasi tumataba nga daw ako. Hindi kasi namin pinapaalam ang pagbubuntis ko. Kahit medyo nahahalata ang tyan ko ay panay parin ang tanggi ko.

Biglang may kumatok sa pinto ng office.

"Oh, Crizzy? Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May nagrereklamong customer. Natapunan ni Ronald ng espresso." Napapakamot nyang sabi.

"Ay naku talaga." Sabi ko at lumabas na.

Palapit na sana ako sa customer na nag eeskandalo ng makita kong si Andreu pala iyon. Halos tumalon ang puso ko sa kaba. Agad akong bumalik kaya nagtaka si Crizzy, sinabi ko lang na kailangan ko rin sabihin kay Clyde.

"Clyde!" Sigaw ko na nagmamadali isara ang pinto.

"Magdahan dahan ka nga Audrey!" Sigaw nya sakin. "Anong problema mo at nagmamadali ka?" Tanong nya.

"Si.. si.."

Biglang bumukas ang pinto. Agad naman akong napatalikod. Nandito sya. Shit!

"Clyde! Can you fire that bastard. Ang tanga eh!" Sigaw nya.

Please Lord! Sana hindi nya ako makilala.

Nagpagupit ako ng maikling buhok. Nakadress din ako na medyo paballoon ang style para hindi mahalata ang tyan ko.

"Who is she?"

Nagulat ako sa tanong nya. Nakita ko ang shades sa may center table sa opisina ni Clyde. Sakto pambabae. Kinuha ko yun at sinuot. Lumunok ako ng ilang ulit.

"So Mr. Chua, I'll be back some other time. I think it's not a good timing for a meeting." Sabi ko. Pinilit kong iniba ang boses ko. Shit talaga.

"Okay, Ms. Timmy. Sorry for the inconvenience." Sabi nya na napapalunok.

Naglakad ako at nagkunwaring nauubo para matakpan ang bibig ko.

Bago pa man ako makalabas ay narinig ko pa ng huling hirit ni Dreu.

"So you like, chubby woman now?"

Kung alam mo lang. Mataba na ako dahil sa anak mo!

Mabilis ako pumasok sa office at uminom ng tubig. Hoo! Muntik na tayo doon baby.

Imbis makapagtrabaho ako ay mas lalo akong di naka concentrate. Ilang buwan na ba kaming di nagkita ulit? Kailan ko ba sya ulit huling nakita? Bakit kahit ang tagal na naming di nagkita ay nagagawa nya paring magwala ang puso ko? Akala ko ay matatakpan na ni Baby ang alaala ng daddy nya sa isip ko. Pero bakit isang kita ko lang sa kanya ay gusto ko ng takbuhin sya at yakapin ng napakahigpit.

Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ko ay hindi ako nakapagtrabaho. Ayaw ni Clyde. Dahil mahina pa ang kapit ng bata. At ng maging stable kaming mag ina last month ay pinabalik na nya ako bilang manager dito sa Cafe. Kaya isang buwan palang ako ulit nagwowork.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon