RHSC 8

134 7 2
                                    

[Play the multimedia and read the translation on the video. thanks! Bigbang - Let's Not Fall In love]

AUDREY

Clyde is not his usual state. Anong problema ng lalaking to? Ilang araw ng wala sa sarili! Nakakapanibago lang!

"Goodmorning! Welcome to Cafe--" hindi ko naituloy ang pagbati ng makilala kung sino ang pumasok. Isang buwan? Dalawa? Gaano na ba katagal simula noong huli ko siyang nakita?

Tumingin siya sakin at agad naman akong napaiwas ng tingin.

Anak ng tipaklong! Bakit kasi ako nakaassign sa cashier ngayon!

"The coffee I used to drink." Sabi niya. May sariling price ang kapeng iyon dahil si sir. Clyde ang gumagawa.

"Sorry but, it's not available. Your favorite barista is sick." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"I'm fine if you're going to make my coffee." Sabi niya at inabot ang limang daang piso.

"I... I receive five hundred pesos." Nipunch ko ang order niya at kinuha ang sukli. "Your change, Sir." Inabot naman niya iyon.

Dahil alam kong hindi siya basta basta umiinom ng kape ay ako na nga ang gumawa ng kape niya.

"Anton, pa-serve nalang kay Si Andreu." Sabi ko kay Anton. Kinuha niya ang kape at umalis na.

"Crizzy, palit muna tayo, sa kitchen muna ako. Dito kana sa kaha."

"Pero diba---"

Pinutol ko siya. "Okay lang. Palit na muna tayo. Sige." Sabi ko at nagmadaling pumasok sa kitchen.

Hindi pwede. Hindi pwedeng magtagal ako sa labas. Dahil alam ko sa sarili ko na namiss ko siya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla nalang akong magtatakbo sa kanya at yakapin siya.

Alam ko ang OA nun dahil wala naman kaming relasyon. But believe me or not, gustong gusto ko siyang yakapin ngayon.

Tumulong ako sa mga ginagawang pastry sa kitchen. Marunong naman ako kahit paano dahil nagtraining din ako. Tsaka tinuro din sa school nung nag aaral pa ako.

Gumagawa na ako ng cookies ng pumasok si Crizzy.

"Pinatatawag ka ni sir Clyde sa office." Aniya.

"Bakit daw?"

Nagkibit balikat nalang siya at lumabas na.

Ano kayang problema ni Clyde?

Paglabas ko iwas na iwas akong tumingin sa spot kung saan parating nandun si Andreu. Nahigit ko ang hininga ko ng hindi ko siya makita doon. Mabuti nalang nakaalis na siya.

Pumasok ako sa opisina ni Clyde ng walang katok katok.

"Clyde anong---" di ko natuloy dahil tumama ang tingin ko sa lalaking nagpapagulo sa tibok ng puso ko.

"Bakit umalis ka sa kaha?" Tanong ni Clyde, not in his usual. Hindi siya jolly, walang gana.

"Naiinip na ako and gusto ko rin magbake naman." Paliwanag ko.

Tumango siya. Wala talaga siyang ka buhay buhay ngayon. Ano bang problema nito.

"Out kana. Someone over there..." nginuso niya si Andreu, "wants to take you out."

Wants to take me out? Ano ako kape niya? Ayoko!

"Clyde, may binibake pa ako..."

"Leave what you're doing at mag out kana."

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon