AUDREY
Isang linggo ang nakalipas at hindi naman na nagdugo ang sugat ko. Kahapon ay nagpacheck -up ako at tinanggal ang stitches sa sugat ko. Dapat ay sasamahan na naman ako ni Andreu, pero hindi na ako pumayag. Tatlong araw din siyang nasa bahay lang. Pumuwesto siya sa dating study table ko at doon nagtatrabaho. Nagtatrabaho habang binabantayan ako. Paano ba naman lahat ng kilos ko kita niya. Nakakaloka lang. Tapos nung 4th day nya dito sa bahay, nagulat nalang ako may mga taong nagpunta dito. May nag ayos ng para sa wifi. May nag ayos ng para sa cable channel ng TV. At higit na halos maloka ako, nagpakabit siya ng cctv. Lahat ng kanto ng bahay ko meron pati sa labas. Ang wala lang ay yung banyo at yung mga kwarto.
Pinakabitan niya ng cctv para daw alam niya kung kailan ako magkukulit.
Nung isang araw, sinubukan ko mag garden kasi ang lalago na ng mga dahon at mga damo sa maliit na garden ko, nagulat naman ako ng bigla siyang dumating at inagaw ang grass cutter sa akin.
Nang tanungin ko kung paano niya nalaman ang ginagawa ko, pinakita niya sakin ang cellphone niya. At doon ay kita ko kaming dalawa galing sa kuha ng cctv.
Pinagalitan niya ako at pinaalalahanan. Kung hindi ko pa kinulit na bumalik siya sa opisina nya ay hindi na siya babalik.
Mabuti nalang din talaga at napilit ko siyang hindi na ako samahan kahapon. Halos wala na rin kasi siyang tulog. Nakatulog na akong nagtatrabaho siya, nagising ako ng madaling araw nagtatrabaho parin siya at paggising ko ng umaga andun parin siya sa table, pero nakatulog na. Sa sobrang pagod narin.
Tumunog ang cellphone ko, at pagtingin ko, si Andreu ang nagtext.
ANDREU:
I'll be home late. Eat on time and sleep early.
Yun lang ang text niya pero yung ngiti ko halos mapunit na ang labi ko. Kinikilig ako!!!
"Ngiting ngiti ah! Anong meron?"
"Ay anak ng palaka!" Tili ko. "LECHE KA CLYDE! Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kanya.
Nandito kasi ako sa duyan sa labas ng bahay. Hindi ko naman naramdaman ang presensya niya kanina. Kainis!
"Hahaha! Kani-kanina pa ako dito. Nabasa ko pa nga text ni Andreu eh." Nagsisimula na naman sya mang asar.
Tiningnan ko siya ng masama pero mas lalo lang siyang natuwa. Buwisit talaga tong lalaking to!
"Kainis ka!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siya sa labas.
"Oy! Haha! Biro lang naman. Bakit ka nagagalit? Wala pa naman akong sinasabi?!" Sabi niya. Giving all his best to hide his smile.
"Nakakabwisit ka naman eh!" Sabi ko pa at akmang hahampasin siya.
Agad niyang sinalo ang dalawang kamay ko. "Oh! Oh! Wag kang magulo. Papagalitan na naman ako ni Dreu." Sabi niya na nagpatigil din sakin. Pati rin naman ako papagalitan eh!
"Oh! Padala ni Mommy. Nagluto kasi siya tapos pinagbalot ka niya. Di ka daw niya madalaw dito eh." Inabot niya sakin ang isang paper bag.
"Ano to?" Tanong ko sa kanya.
"Tingnan mo nalang." Sabi niya at umupo sa sofa.
Tumabi ako sa kanya at tsaka binuksan ang dala niya. Naglaway ako agad ng makita ang lasagna!
"CLYDE!" tili ko sa kanya.
Agad siyang napatayo at nag aalalang inagaw sakin ang hawak ko. "Anong masakit? Ayos ka lang? Masakit sugat mo?" Sunod sunod niyang tanong.
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Akin na yang lasagna! Miss ko na kumain niyan!" Masayang saad ko.
Inabot niya sakin ang pagkain at sinimangutan ako.

BINABASA MO ANG
RUN and HIDE, SEEK and CHASE
Romance--- "I just wanna RUN from all of this, and HIDE from him so we could just forget each other..." --- "Whatever happens, I won't stop. I'll SEEK and CHASE after her. Abutin man ako ng ilang taon." *** The story might have typos, grammatical errors, w...