AUDREY
Umaga na nang magising ako. Nasa sarili kong kwarto na ako.
Bumangon ako at nakita ko si Andreu sa gilid ko. Tulog habang nakapatong ang ulo sa kama. Baka nangangalay na to. Bakit kasi kailangan pa akong bantayan?
Gigisingin ko na sana siya ng bigla nag ring ang cellphone nyang hawak niya kaya bigla siyang nagising.
Agad dumapo ang tingin niya sakin. Kakausapin niya na sana ako ng muling tumunog ang kayang cellphone para sa tawag. Sinagot niya iyon at tumitig ng muli sakin, gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko alam bakit ayaw. Hindi ko rin alam bakit may lakas ako ng loob na titigan siya pabalik.
"Mom... goodmorning!, yeah... no, it's okay. Why?... I couldn't come home... You already know the reason... but... i can't..." bumuntong hininga siya. Hindi parin inaalis ang tingin sakin. "Okay Mom... yes, we'll be there. Please tell manang to prepare the guest room beside my room... yes. I'll see you later." At ibinaba na nya ang tawag.
"YOU..." nagulat ako ng bigla niyang bigyang diin ang salitang You sa akin. Bakit? "Stop making me so worried about you Audrey, will you? Nakakarami kana.." sabi niya at inis na nag iwas ng tingin. Mukha talaga siyang frustrated na sa akin.
"Hindi ko naman--" pinutol niya ako.
"Hindi mo naman alam? You were so pale ramdam mo ng masakit di mo pa sinabi! Do you really like making people around you so worried? Damn it." Hindi ko inaasahan ang ganitong outburst sa kanya ng ganito kaaga.
"Sorry..." kahit di ko naiintindihan bakit siya ganyan magalit, I just had a feeling na kailangan ko magsorry.
"Kung may masakit na or may nararamdaman ka, sabihin mo agad, okay?" Hinahanap niya ang mata ko pero ayoko na siyang titigan sa mata.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka? Hindi mo naman kailangan gawin ito. Nagiging pabigat lang ako sayo." Sabi ko at mas lalong yumuko.
"You'll know eventually... pack some cloths, you're going with me." Sabi niya at tumayo na.
"Saan?" Saan kami pupunta.
"Pinauuwi ako ni Mommy sa bahay. At sasama ka sakin, masyadong sensitive ang sugat mo, hindi ka dapat naiiwan mag isa." Paliwanag niya.
"Eh kaya---" pinutol niya ako ulit.
"Sasama ka. You don't have a choice. Prepare for 30 mins." Iyon lang at iniwan na niya ako sa kwarto ko.
Seryoso ba siya talaga?
Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya. kakatok na sana ako sa kwarto niya ng marinig ko ang boses niya galing sa baba.
"Yeah, tumawag si Mom... I don't have a choice, she pleaded so much... Psh! Eh binibisita mo naman ako every time dumarating ka... whatever! See you later...same here... what? I said same here!... ganun din iyon!.... ang arte mo! I love you!" Inis niyang sabi sa kausap sa phone. Sino kaya yon? Siguro may girlfriend na siya. Ano pang ginagawa niya dito? Ginagawa niya ba akong mistress?
Bumaba na ako at pumunta sa kanya, "Oh, nakapagready kana?" Sabi niya ng makita ako.
"Hindi ako sasama." Deretso kong sabi. Kita ko kung paano nangunot ang noo niya.
"Why?" kunot parin ang kanyang noo.
"Hindi naman kailangang isama mo pa ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Nagiging pabigat lang ako sayo. Nasaksak ako dahil prinotektahan kita... hindi mo naman kailangang alagaan pa ako in return to that. Ginawa ko iyon dahil gusto ko. Umuwi kana sa inyo. Kaya kong alagaan ang sarili ko. Salamat na rin sa halos dalawang linggong pagsama sakin dito." Sabi ko at tunalikod na sa kanya. Pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko. Bakit nasasaktan ako sa mga sinabi ko? Lumalim na ba ang nararamdaman ko? Kung ganun hindi ako nag-ingat. Hinayaan kong mahulog pa ako sa kanya kahit alam kong hindi naman tama.

BINABASA MO ANG
RUN and HIDE, SEEK and CHASE
Romance--- "I just wanna RUN from all of this, and HIDE from him so we could just forget each other..." --- "Whatever happens, I won't stop. I'll SEEK and CHASE after her. Abutin man ako ng ilang taon." *** The story might have typos, grammatical errors, w...