RHSC 7

139 4 3
                                    

AUDREY

"You're heeeeere!" Tili ng Ate ni Andreu.

"ANDREA!" sigaw naman ni Andreu.

"Will you please stop? don't be so possessive?!" Sigaw din ni Ate Andrea pabalik kay Andreu.

"I'm not! Bawal siyang pinopwersa! She might bleed!" Inis na sabi ni Dreu.

Hinarap ako ng ate niya. Eyes wide open. "Are you... oh my God! Ilang buwan na?!" Tili niya. Naguluhan ako. Anong sinasabi niya?

Narinig ko ang halakhak ni Clyde. Napatingin ako sa kanya. Care to explain Clyde? I don't get her!

"Andreu anak, hindi mo naman sinabing magkakaapo na kami." Nakangiting sabi ng Mommy nya habang nakatingin sakin.

"What?!" Andreu.

"Ano po?!" Ako.

Sabay kaming napasigaw ng ganyan sa gulat. Anong apo? Anong iniisip nila?

Humalakhak ng mas malakas pa si Clyde. Hawak hawak ang tiyan niya. Agad na may lumipad na unan at tumama sa mismong mukha niya. "Ouch! Masakit yun Tol ah!" Sigaw niya pero nakatawa pa rin. Baliw talaga.

"Ano? Babae ba o lalaki?!" Ngayon ay lumapit na rin sakin ang mommy ni Andreu.

"Nagkakamali ho kayo." Paliwanag ko.

"Aysus nahihiya pa. Call me Ate Andrea nalang, okay?" Sabi niya sakin at niyakap.

"Call me Mommy." Ngiti ng Mommy nila sakin. "Naeexcite ako sa magiging apo ko!" Dagdag niya pa.

Unti unting nag iinit ang pisngi ko. Nagkakamali sila!

"So tell me, saan nangyari? Sa hotel or sa pad niya--" naputol siya sa sigaw ni Andreu.

"ATE WILL YOU PLEASE STOP!" sigaw niya. Namumula na rin.

"Hey! You rarely call me Ate! Thats new!" Tili ni Ate Andrea.

"Hindi ko alam na iba ka palang dumiskarte Andreu. Tahimik pero matinik." Ngumisi ang Daddy niya sa kanya.

"Dad, pati ba naman ikaw? Ano ba kayo! Hindi siya buntis! Walang nangyari samin!" Inis niyang sabi at napasabunot sa buhok.

Nagtinginan sila lahat sakin. Tumingin naman ako kay Clyde na tahimik na tumatawa. Kainis!

Pakiramdam ko sobrang init na ng pisngi ko. Gusto ko na umalis! Nakakahiya na dito.

Nakatingin parin sila sa akin at nag aantay sa sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim. Nakakahiya talaga to!

"Nagkakamali ho kayo ng iniisip. Unang una mali po kayo. Ang sinasabi niyang baka magdugo ako ay yung sugat ko. Nasaksak po ako at medyo sensitive ang sugat ko. Pangalawa ho, hindi niya po ako girlfriend at wala pong nangyari sa amin." Paliwanag ko. Naghintay ako ng sa magiging reaksyon nila

Mga ilang sandali ng sabay na humalakhak si Clyde at ang si Mr. Chase Sy. Wala dito ang kuya niya.

"Shut up! Fvck!" Hindi na napigilan ni Andreu at nagtago sa kumot.

"Son, same old you! Ano mag aantay kana naman bang iwan niya? Wanna repeat the same mistake? Haha!" Sabi ng Daddy niya. "Kailan mo ba kasi susundin ang mga tinuturo ko?" Dagdag pa niya.

"Leave me alone. Clyde, iuwi mo na siya. All of you get out!" Sabi niya sa seryosong boses.

Napatigil sila sa pagtawa.

"Dreu, baby, c'mon. Don't be like that..." lumapit ang mommy niya at tinangkang tanggalin ang kanyang kumot.

"Iwan nyo muna ako. Gusto ko mapag isa." Sabi niya. Nakatago parin sa kumot. Bumuntong hininga ang mommy nya at naglakad na. Sumama naman ang kanyang asawa. Si Clyde, ako at ate Andrea nalang ang natitira.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon