RHSC 3

160 3 0
                                    

AUDREY

Nababagot na ako sa panonood ng mga ginagawa nila sa stage. Ngayon ay kasalukuyang nagsasalita at nagbibigay mensahe ang parents ng late na si Drake. Umalis daw sya para bumili ng bulaklak at natraffic siya nung pabalik na. Aysus! Mga palusot nga naman. Bakit pa kailangan bumili ng bulaklak eh napaka rami na ng bulaklak na nakadisplay dito.

"Are you okay?" Biglang tanong ni Clyde.

"Oo naman. Bakit?"

"You look bored and irritated." He said stating the fact. Hindi ko na itatanggi dahil totoo naman. "Drinks?" Alok pa ni Clyde.

"Di ako umiinom eh." Sagot ko. Alam nyang ayoko ng umiinom dahil nag eevolve ako kapag nakakainom ako.

"Ladies drink naman ito. Tsaka hindi ko hahayaang malasing ka. Kilala kita malasing. Wild ka. Haha!" Pang aasar na naman nya.

"Ayoko parin. Magagalit si Yna." Sabi ko nalang. Pero medyo totoo iyon. Ayaw nyang umiinom ako ng hindi kami magkasama.

Nagkibit balikat sya at nakipag usap na ulit kay Andreu. Kaya hinayaan ko na sila.

Ilang oras ang nakalipas at nakaramdam ako ng pagbabanyo.

Tumayo ako sa upuan ko at umalis.wala na rin naman akong kasama sa table dahil may kausap si Andreu sa kabilang table, si Clyde naman ay nawawala rin dahil naghahanap ng flavor of the night. Loko talaga. Ginawang bar ang event ng kaibigan nya.

Pumasok ako sa cr at dumiretso agad sa isang cubicle. Ihing ihi na ako! Bakit ba kasi nagpipigil ako kanina pa.

Lumabas ako ng cubicle at nag ayos muna sandali sa harap ng salamin . Hindi porket mahirap ako eh hahayaan kong magmumukha na akong mahirap . Hahaha!

Paglabas ko ng comfort room, biglang may humila sakin. Lalaki. Hindi ko alam kung sino sya. Nakatalikod sya sakin at deretso lang sa paghila sa akin.

"Teka! Bitawan mo ko! Sino ka ba?!" Sigaw ko habang umaalpas.

Hindi sya sumasagot o kaya'y nilingon ako.

"Ano ba?!" Pilit kong inagaw ang palapulsuhan ko. Masakit na iyon dahil sa higpit ng kapit niya!

Nasa labas na kami ng hotel, sa may garden ng itulak nya ako sa pader.

"Sino ka?!" Sigaw ko sa kanya. Masakit ang ginawa nyang pagtulak at lalong hindi ko sya kilala.

"Audrey Albos..." tawag nya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Wag mo ko hawakan! Sino kaba?!" Sigaw ko. Natatakot na ako sa kanya.

"Hindi mo na ako nakikilala ngayon? Ganyan ka ba kagalit sakin? Kinalimutan mo na ako?" Sabi niya. sino ba sya talaga!

"Hindi kita kilala! Layuan mo ko!" Tinulak ko sya pero hindi manlang natinag. Hinarang nya ang dalawang braso nya sa Magkabilang gilid ko.

"It's me... Peter! How come nakalimutan mo na ako?" Ngimiti siya ng malademonyo.

Pagkarinig ko ng pangalan nya ay agad akong kinilabutan. Kailan? Paano? Nasa kulungan siya! Paanong ngayon ay nasa labas na sya at nakaattend pa ng event ni Yna. Si Yna mismo ang nagpakulong sa kanya.

17 ako noon at nasa ikalawang semester ng unang taon ko sa kolehiyo. Isa siya sa mga kaklase ko. At hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin noon. Muntik na nya akong gahasain kung hindi lamang sya nahuli. Halos wala na akong lakas noon para makapanglaban dahil sa panghihina. Binugbog nya ako para hindi ako makapanlaban. Pinunit nya ang damit ko noon, pero bago pa man nya ako mahawakan ay nahuli na sya ni Yna. Iyak lang ako ng iyak noon sa takot. Naospital pa ako dahil nawalan na ako ng malay. Hindi pa kami noon magkaibigan ni Yna. Pero dahil sa pangyayaring iyon ay dun nagsimula ang pagiging magbestfriend namin. Kinasuhan nya si Peter at dapat makulong ng pang habang buhay, kaya ngayon, paano sya nakalabas?

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon