RHSC 10

158 6 1
                                    

AUDREY

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Nilibot ko ng tingin ang buong silid. Loko talaga iyong si Clyde. Dito na naman ako pinatulog sa kwarto ni Clyne.

Pababa na ako sa kama ng bumukas ang pinto.

"Goodmorning! How's your sleep?" Nakangiting bati sakin ni Clyde.

"Are you for real?" Bulong sana pero narinig niya naman.

"Yes I am. Mukha ba akong lumabas lang sa panaginip mo? Mukha ba akong guni guni mo lang?" mabilis siyang lumapit sakin at sinakal ako gamit ang mga bisig niya. "Ano bang pinagsasabi mo ha?" Tanong niya habang sinasakal ako pero hindi mahigpit.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Parang maiiyak na naman ako.

"Clyde, bakit mo ako tinutulungan? bakit mo ako kinaibigan?" Tanong ko sa kanya.

Dahan dahan siyang bumitaw sakin.

Bumuntong hininga siya. Ang seryoso niya.

"Okay, I'll be honest with you." Humugot ulit siya ng hininga. "At first naaawa talaga ako sayo. You know, yung kwento mo na 800 pesos mong sweldo, tapos kuntento kana dun. Naawa talaga ako sayo, you're working hard just for an 800 pesos. But as time goes by, nabago iyon. You were there when i'm missing my twin sister, you were there when I needed a sister to share something stupid i've done. You were there to comfort me as a brother when i'm down." Tumingin siya sakin ng nakangiti at umakbay sakin ulit.

"You may be not my biological sister, you may be not Clyne my twin sister but I've been treating you like one. Hindi kana iba sakin eh. I know 2 years is not that long enough, but in the span of 2 years, I already know everything about you.. na kahit amoy ng utot mo malalaman ko na kung anong kinain mo. You're my baby sis. Hindi ako nagbibiro tuwing sinasabi ko iyon." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha ko.

Yumakap ako sa kanya. Pakiramdam ko tumataba ang puso ko dahil sa sinabi niya. Masayang malaman na itinuturing na niya akong kapatid.

"Huwag kana umiyak. Kasi pakiramdam ko sumisikip din sa dibdib ko." Sabi niya habang tinatahan ako.

"Salamat, Clyde! Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi, kahit mawala ang lahat sa akin may Clyde paring matitira sakin. Salamat talaga." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Always remember, Audrey, kung iiwan ka ng lahat, kami ni mommy hindi. We'll stay with you. Okay?"

Tumango ako at ginulo niya naman ang buhok ko.

"Clyde naman eh!!!" Reklamo ko sa kanya.

"Mukhang nagdadramahan ang mga anak ko ah." Biglang sumulpot si Tita Celine. Mana talaga si Clyde sa kanya. Bigla bigla sumusulpot.

Lumapit siya sa amin at umupo sa kabila kong gilid.

"Can you do me a favor Audrey?" Sabi niya habang inaayos ang buhok ko.

"Ano ho iyon?"

"Pwede bang tawagin mo nalang akong mommy at hayaang mahalin at alagaan ka na parang tunay na sa akin?" Naluluha siya.

"Pero Tita..."

"I'd be glad if you call me, mom. And I'll be grateful to treat you as my own daughter."

"Pero paano po si Clyne?"

"Clyne will always be in my heart and mind. She will always be a part of my life. She will always be remebered. And I know, Clyne will be really happy if you let me treat you as my daughter too." Ngumiti siya sakin.

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon