RHSC 4

168 2 0
                                    

AUDREY

"Umuwi kana. Kaya ko naman mag isa. Hindi ako magpapagod. Hindi ko hahayaan mapahamak ang sarili ko. Kailangan ko pa mabuhay." Kanina ko pa kinukulit si Andreu na umuwi na. Nakalabas na ako ng ospital. Hinatid nya ako dito sa bahay.

Akala ko tutulungan niya lang akong magbaba ng nga gamit o ano man pero nagulat ako ng sumunod na niyang ipasok ang isang gym bag. Hindi ko yun gamit at agad kong nakuha ang plano niya.

"I'm staying here. I bet you have spare room?" Iyan ang agad niyang sabi pagpasok niya na dala ang bag niya.

Hindi naman niya kailangan tumira dito eh. Kaya ko naman sarili ko. At isa pa, nangako si Yna na dadalawin naman niya ako.

"Saan ang spare room mo?" Tanong niya dahil sa pagiging walang imik ko. Napapagod na kasi akong makipagtalo.

Pati mga kalat ko ay niligpit niya. Nagpalit lang siya ng damit sa banyo at tsaka sya nagligpit. Nakahihiya.

"Sa taas. Kulay puting pinto." Sabi ko nalang. Kahit naman kasi hindi ko sabihin alam kong hahanapin niya pa rin. Parang kanina. Sinabing huwag magligpit, nagligpit. Tsaka tatlong kwarto lang naman ang meron ang bahay namin ni Mama. Yung kwarto ni Mama ay nandito sa baba.

Nakakahiya Lang na ang isang anak mayamang si Andreu Sy ay naglilinis sa bahay ko! Nakakahiya na ang isang Andreu Sy ay titira sa magulong bahay ko.

"I'll just put my things inside the room. Then i'll buy our dinner." Sabi niya at naglakad na paakyat sa hagdan.

"Hindi na!" Pigil ko kaya natigil sya sa paglalakad. "Magluluto nalang ako." Sabi ko pa.

Nagulat ako ng inirapan niya ako. Wow? Haha! Umiirap pala siya. Siguro naiinis na talaga siya sakin.

Bumaba siya ng naka sando at board shorts habang hawak ang wallet at ang cellphone naman ay nasa kanyang tainga.

"Yeah... no Mom... I'm staying at a friend's house... she has no one with her and her condition is not that good." Sabi niya sa kausap sa kabilang linya. MOM? so baka nanay niya kausap niya.

"Hindi na... i'm good here... no! No! No need for maids and guards. I can manage... yes i'm sure. Para saan pang black belter ako... opo. Bye. Same here." Binaba niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin.

"Anything you need? Ano gusto mo kainin?" Tanong niya.

"Kahit ano nalang." Sagot ko sa kanya.

Humalukipkip siya sakin at tiningnan ako ng seryoso. "You know what, ang hirap mo pala intindihin? I'm not good at girls. I find it hard to understand girls. Akala ko kapatid ko na yung pinakamahirap intindihing babae, mas matindi ka pala. And i'm trying my best to understand kaya please wag mo ko pahirapan." Lintanya niya. "Anong gusto mo kainin? Be specific." Halata ang irita sa kanyang mukha.

Ganun na ba ako kahirap intindihin? Hindi lang naman ako sanay na may kasama dito sa bahay. Hindi ako sanay na may nag-aalala, nag-aalaga. Pitong taon ko ng sinosolo ang lahat kaya ngayon ay naninibago ako.

Bigla akong nagcrave sa mcdo chicken at fries. Nalalaway ako. Sasama nalang ako sa kanya. Good idea!

"Pwede bang sumama nalang ako? Gusto ko sana mag mcdo." Pakiusap ko sa kanya.

"Okay." Sabi niya lang.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinagilap ang wallet sa bag.

Bumiyahe kami ng tahimik. Walang imikan. Seryoso siya sa pagmamaneho habang ako naman ay sa labas lang din nakatingin. Naiilang parin ako sa kanya. Nakakapanibago. Dati ay pinapantasya ko lang na mapansin niya ako. Ngayon ay ito sya. Titira sa bahay ko para lang samahan ako. Nakapagtataka lang na pilit niya akong iniintindi kahit na nahihirapan na syang intindihin ako. Hindi naman kami close ah. At huling pagkakatanda ko, pinapangarap ko lang sya. Na kahit minsan tingnan ako. Lord, ito po ba ang pabuya sa pagpapakabayani ko? Kung ito po yon. Maraming maraming salamat! Hihi!

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon