RHSC 9

124 5 1
                                    

AUDREY

"Hey!" Bati niya sakin ng makalapit sa counter. "Hindi ka pa out?" Tanong niya.

"1 hour pa." Sagot ko sa kanya.

Nakakaloka! Mababaliw ata ako talaga! Paano ba naman, paggising ko kaninang umaga para magluto na sana andun na siya sa kusina. Muntik ko pa siyang batuhin ng tsinelas sa sobrang gulat ko. Akala ko napasok na ako ng magnanakaw na macho! Ay leche naalala ko na naman ang sexy back! Anyways... ghad! I need diversion! Pakiramdam ko maglalaway ako. So ayun nga, topless siya habang nagluluto kasi wala daw siyang pamalit na damit. Very good reason naman.

So ayun nga, napakaaga niya sa bahay ko. Madali siyang makapasok kasi may susi pa siya. Hindi niya sinoli! Habang nagluluto siya nagprepare na ako. Sabay kaming kumain at ako na ang naghugas na muntik pa naming pagtalunan. Hinatid niya rin ako dito sa trabaho.

Kaninang lunch, pumunta siya dito at dinalhan ako ng pagkain. Sabay kami ulit kumain. At ngayon ay eto siya at gusto na akong mag-out. Hindi kaya masawa siya sa mukha ko? Wag naman sana.

Biglang lumabas sa opisina niya si Clyde. "Aga mo, Dreu." Sabi niya ng mapansin si Andreu.

"Pwede ko na ba siya iuwi?" Ani ni Andreu.

"Hindi pwede! Oras pa ng trabaho. Mag antay ka!" Sabi ni Clyde at dumeretso sa kitchen. Paglabas niya may dala na siyang dalawang lianera ng lecheflan.

"Ow.. eating sweets! Sweet tooth huh? Sweet food for a broken heart." Pakunwaring kumento ni Andreu.

Tiningnan ni Clyde ng masama si Andreu. "Hindi porke't inlove ka eh ganyan ka na. Tandaan mo, isa ako sa naging daan para magkakilala kayo."

"Ow! Thank you!" Bumaba sa high chair si Andreu. "Halika bestfriend, sasamahan kita mag emote!" Sabi niya at hinila si Clyde papasok sa opisina.

Mga adik talaga sila. Naninibago ako kay Andreu. Ang daldal na niya. Tapos hindi na siya madalas seryoso. Kung tititigan mo siya, masasabi mo na para siyang babaeng blooming. Haha!

Nagpupunas ako sa counter ng biglang sumulpot si Andreu. "Tara na. Pwede kana mag-out." Ngiting ngiti niyang aya sa akin.

Tumingin ako sa relos ko. Adik na to! May 15 mins pa!

"15 mins more mr. Sy!" Biglang sulpot si Clyde.

"Clyde will you please let her go with me?!" Iritableng sabi ni Andreu. Nawala na ang ngiti sa mga labi niya.

Bago pa man sila tuluyang magtalo ay sumingit na ako.

"15 mins nalang naman, Drue. Mabilis na iyon." Ngitian ko siya pero nakabusangot parin siya. Ang cute!

Padabog siyang humila ng isang upuan malapit lang sa may counter at umupo paharap sa amin.

Ngumisi sa kanya si Clyde. Mas tumalim naman ang tingin ni Andreu sa kanya.

"I'm ordering 50 coffees! The one you're making." Sabi niya.

"What?!" Clyde.

Nag smirk si Andreu kay Clyde. "Yes. I'm ordering 50 coffees, to go, right now. And I want to have it in 15 mins."

"Kingina Dreu! Ang dami nun!" Reklamo niya.

"Ayaw mo? I'm a customer, Clyde. See that wall?" Tinuro niya yung feedback wall namin. "I can write my service feedback there right?"

"Kingina talaga.." bulong ni Clyde na ako nalang ang nakarinig. "i-punch mo order niya. Additional 50% lahat ng order!" Sabi niya.

"Kahit doblehin mo pa, Clyde. I'm willing to pay. Haha!"

RUN and HIDE, SEEK and CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon