Prologue: Verum

5.4K 129 12
                                    

JhasMean: Once a week po ang UD. Thank you. Sana po ay basahin niyo pa rin ito :)

♣♣♣

Art Of Assassination Trilogy #3: Accomplished

Prologue: Verum

"Marcello, pagdating mo doon mabilis na kunin mo na lang ang mag-ina mo. Magpaliwanag ka na lang dito sa sasakyan." Diretsong saad ko habang nagmamaneho kami papunta sa bahay nila Margarette.


Kailangan namin siyang maabutan. Margarette's got everything wrong. Marcello doesn't want to kill her nor anyone in their family. He just said those things to save them. 


Marcello and I entered a syndicate. The DIAMONDS. We had that mission as a secret because we can't let them be in danger kapag nalaman nila iyon, and knowing Margarette, she'll try to help us.


And when the syndicate found out that Black Rose and that we have some connection, they threatened us. But we outwit them; we said that we'll spy on Black Rose. Without knowing that all the information we're giving them are not true.


Kaso humantong pa sa puntong gusto nilang patayin ang pamilya namin para mapatunayan ang loyalty namin sa samahan. Of course we can't do that. Kaya imbis na sila ang papatay sa pamilya namin, we said that we're the one who's going to kill them na mas nagustuhan naman nila ang plano. Margarette didn't see me saying that, ang nakita niya lang at narinig ay si Marcello. Mali ang inisip niya. Maling mali.


Dahil ang plano namin ay pepekein namin ang pagkamatay ng pamilya namin at itatago na lang sila. Hindi alam ni Margarette iyon, narinig niya lang ang pakikipag-usap namin sa mga kasamahan namin pero hindi niya alam ang totoong plano namin.


"Hell, if something happens to my family, Beatrice... I won't forgive myself." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti, "They'll be fine. Margarette's a smart woman. She'll know about the truth. Kahit hindi mo pa sabihin."


Tumigil kami sa tapat ng bahay nila Margarette nang mapansin namin ang isang sasakyang nakatigil din doon.


Mabilis na bumaba kami at hinawakan ang aming mga baril. Dahan dahan kaming naglakad papasok. Sa loob ay naabutan namin ang isang lalaki na nakapwesto sa likod ni Margarette at nakatapat ang isang matalim na kutsilyo sa mukha nito.


At bago pa namin siya mapigilan ay naisakisak na niya ito sa dibdib ni Margarette.


"No!" Lumabas si Marcello sa pinag-tataguan namin at mabilis na sinugod ang lalaking sumaksak kay Margarette. Tinapat niya dito ang baril na hawak habang ako ay lumapit kay Margarette na unti unti ng nanghihina.


"Shh, hang on. Dadalhin ka namin sa ospital. Where's Xiara?" Buong lakas niyang ititnuro ang kwarto. Tumingin ako kay Marcello, hirap na tumitig siya sa lalaki.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon