XV. Nabali

2.8K 74 9
                                    

Chapter 15

X

Mag-aalas-dose na ng madaling araw kami umalis ni Craig sa cafe dahil hiniling pa niyang manatili kaming dalawa doon at iyon na raw ang huling hiling niya sa akin. Pagkatapos nito ay iiwasan na namin ang isa't isa. Um-order siya ng bote ng alak matapos naming kumain ng hapunan, hinayaan ko lang siyang tahimik na umiinom ng alak hanggang sa naka-apat na bote na siya ng Jack Daniels ay tuluyan na siyang makatulog sa kalasingan.


"Vector, pakibukas naman ng kwarto niya." Saad ko sa tapat ng camera na nakalagay sa itaas ng pinto ng kwarto ni Craig. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit hindi pa rin niya nabubuksan ang kwarto. "Sinong nasa control room? Pakibuksan."

Wala pa rin; kaya naman ay mahinang tinapik ko ang pisngi ni Craig para gisingin siya. "W-what?"

"Passcode," tinuro ko ang screen sa harap namin. Tumango siya at nagtipa doon; nag-iwas na lang ako ng tingin nang makita ko ang passcode niya. Bumukas na ang pinto at inalalayan ko siya hanggang sa makahiga siya, inalis ko ang sapatos niya pati ang suot niyang polo at pantalon at kinumutan siya.


Mahimbing na ang pagkakatulog niya, nasiguro ko yun dahil sa malalim at mabagal niyang paghinga. Naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kanyang mukha.


"I'm really sorry, I just hope that someday, you'll find someone who deserve your love. Maraming salamat sa lahat." Hinalikan ko siya sa noo sa huling pagkakataon at walang ingay na umalis sa kanyang kwarto.





"Dr. Villabroza already found the cure for typhon, pero sa ngayon ay hindi pa pwedeng idistribute ang cure. Una ay dahil sa kailangan pang magkaron nang mausisang tests  mula sa DOST at DOH para mapatunayang cure iyon at walang magiging ibang side effect sa mga bibigyan. One to two months and guaranteed time para tuluyan na iyong pwedeng gamitin," Paliwanag ni Barbara habang nasa meeting kaming lahat.


Two months is too long pero kailangan iyon dahil hindi namin pwedeng isakripisyo ang buhay ng mga tao. Nakapaglabas na naman ang DOST ng gamot upang mapabagal ang pagkalat ng mga simtomas sa mga tao. Turns out that the chemo therapy medicine worked as a drug to slow down the symptoms. Iyon nga lang ay nagkaron ng side effect iyon sa mga tao, iyon ay kagaya ng nangyayari sa mga cancer patients, naglalagas ang buhok nila. Black Rose and Dark Chevalier gave money for the drug, para maibigay iyon ng libre sa mga tao.


"But finding the cure does not mean the end of our mission. Our mission is to put Olivia and Deenara behind bars," may ilan pang sinabi si Barbara tapos ay di-nismiss na niya ang meeting.


Sa ngayon ay walang sinasabi si Barbara na plano kung paano namin masisiguro na makukulong sila Deenara. Hindi na ako makikielam pa sa mission na iyon at hahayaan na si Barbara na magdesisyon. Ang priority ko naman ay ang maitigil namin ang Legacy, it's not yet stopped pero may cure na kami. Isa pa, kung ako ang magdedesisyon para sa kung anong gagawin namin kila Deenara ay sasabihin ko na lang na patayin sila. It's easier, maraming casualty nga lang.


It's also obvious that they don't want any of my suggestions on that mission, dahil sa punto ng buhay ko ngayon, gugustuhin ko na lang na kumitil ng buhay para mapadali ang lahat, para makaalis na ako dito. Ilang beses na nga akong nakiusap kay Barbara na ako nang bahala na magpasalita kay Marion, pero miski ang lugar kung saan nila ito kinukulong ay hindi nila sinasabi sa akin. Magdadalawang linggo ko nang hiling iyon sa kanila pero ayaw nilang ibigay sa akin.


Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon