VI. Dead

2.6K 78 7
                                    

JhasMean: I love you, guys. Thanks for reading my stories. #NationalILoveYouDay Don't forget to say I love you to your parents/siblings/GF/BF/Friends instead of saying Goodnight, mag-I love you na lang kayo. Pero sana, kahit walang ganitong event ay palagi pa rin kayong mag-I love you sa kanila. :)

Chapter 6

X

"Bakit kailangan mo pang isali si Elena dito? Dapat ako na lang ang sinabihan mo." Galit at mataas ang boses na tanong ni Night sa akin pagkadating niya ng headquarters.


Sinabi ko kay Barbara na hawak ko na ang pamilya ni Abueva at inamin ko na rin na kasama ko si Elena sa pagdakip sa mga ito, kaya heto ngayon si Night at humahangos; galit na galit sa akin dahil dinamay ko si Elena sa misyon gayong nilalayo niya nga ito sa pagkuha nito.


"Because she's more than capable. Bakit ba hindi niyo matanggap na sa ating lahat ay mas magaling at kaya ni Elena na kumuha ng isang mission. She's not a kid anymore." Sagot ko. Tinignan ko sila Barbara at Vector na galit din sa ginawa ko. "Besides, mabobored iyon sa pagbabantay lang sa control room, alam niyo ang ginagawa niya kapag bored. Buti sana kung binibigyan niyo siya ng mga hayop na pagkakaabalahan niya."


Elena doesn't like animals. May iba siyang ginagawa sa mga ito. Iba kasi si Elena sa aming lahat. She gets bored when she can't kill anyone or anything, at parang batang hindi binigyan ng laruan naman siya kapag hindi nakakakita ng dugo. Night and the rest have been trying to change the way she was pero kahit pa man noon ay sinisira ko ang gusto nila dahil alam kong kahit anong gawin nila ay hindi na magbabago si Elena.


"Nasan siya ngayon?" Alalang alala na tanong ni Night sa akin. Sinabi kong nasa dati namin itong bahay ni Sef at kasama niya ngayon ang kabit ni Abueva at ang anak nila ng kabit niya.

"We've found his Achilles heel, naisagawa na ang unang parte ng plano. For the second part, may kailangan muna akong gawin. Pakabahin muna natin si Abueva." Saad ko. Umalis na si Night, siguradong pupuntahan niya si Elena.


Bago pa maitanong nila Barbara ang sinasabi kong pangalawang parte ng plano ko ay umalis na rin ako kasunod ni Night. Lagpas isang buwan na akong nandito ngunit hindi ko pa rin sila kinakausap ng maayos. Hindi na naman kailangan. Isasagawa lang namin ang kailangan, sisiguraduhin lang namin na hindi matutuloy ang Legacy plan ng Diamonds at iyon na 'yon. Hindi na namin kailangan pang mag-usap.


Ayaw ko na ring makipag-usap sa kanila dahil puro pagpapaliwanag lang ang gagawin nila. Paulit ulit na paliwanag. Kahit si Tita Beatrice ay hindi ko kinakausap. Kung anong dahilan niya sa pagsisinungaling sa akin ay hanggang ngayon ay hindi ko alam. Ang sabi nila ay para maprotektahan ako, pero sa paanong paraan?


Parehas sila ni Sef, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng pagprotekta. Ang akala nila ay ang pagtatago ng kalokohan sa isang tao ay isang paraan ng pagprotekta, pero hindi. Kahit kailan ay hindi naging pagprotekta ang gawing bulag ang isang tao sa katotohanan. Kahit gaano mo masasaktan ang isang tao ay hindi mo dapat ito ginagawang bulag sa totoo, para mo lang iniipon ang sakit habang tumatagal ang pagsisikreto.


Pumunta ako sa kwarto ko at dinampot ang aking telepono para tawagan ang isang kaibigan. Sa pangatlong ring ay sinagot na niya ito.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon