VII. Die

2.6K 81 13
                                    

Chapter 7

X

"Si Deenara lang ang nakakaalam ng tungkol sa Legacy. She assigned us what we have to do and that's it. The reason for it, we didn't know. Hawak lang kami ni Deenara lahat sa leeg kaya ginagawa namin ang lahat ng sabihin niya. Sinong nasa katinuan ang ipapapatay ang lahat ng tao sa bansa?"


Iyan ang mga sinabi sa akin ni Alejandra bago kumalat ang balitang pinatay ito sa loob ng kulungan.


Dalawang araw na ang nakalipas nang magimbal ang buong bansa dahil sa pagkamatay ng "pinakamamahal" na senador ng mamamayan. Nakita itong wala nang buhay, at may natamong dalawampung tama ng baril at sampung saksak sa katawan. The whole country mourn. Kung hindi lang nila alam ay dapat nagdiwang pa sila dahil sa namatay ang isa sa mga taong gustong patayin ang lahat ng tao sa bansa. They should not mourn over his death, they should celebrate.


Dalawang araw rin ang nakalipas nang ibalita iyon ay tinawagan ako ni Alejandra at sinabi ang nalalaman niya.


"I know they will kill me after I tell you this, pero hindi na kaya ng konsensya ko..."


Iyon ang sinabi niya nang magkita kami. Wala akong nakuhang impormasyon, what she knows is useless, pero may isang bagay doon na sa tingin ko ay malaki ang maituturo sa amin. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa gamot na ginawa nila. It was a developed version of Typhon, sinabi niya rin sa akin ang mga in-adjust na chemical doon at ang tatlo sa pinakamagling na scientist na meron kami ang kasalukuyang gumagawa non at hinahanapan ng antidote.


"ATE!" Humahangos na tawag sa akin ni Jasmine. "Ate, si Samantha!"


Binalot ako ng kaba sa sinabi niya at sinundan siya papunta sa opisina nila Beatrice kung saan nagkakagulo silang lahat lalo na si Craig na halos balibagin ang lamesa sa sobrang galit. Pero bakit?


Nasagot ang tanong ko nang mapanood ko ang video sa laptop ni Vector, si Deenara iyon kasama si Samantha na nakagapos sa isang upuan ang duguan.


"Twenty gunshot wounds and ten stab wounds..." Walang emosyong saad ni Deenara at sinimulan niyang barilin sa magkabilang braso si Samantha, sumigaw ito sa sakit at kahit gustuhin ko mang pumikit para hindi iyon makita ay hindi magawa ng mata kong pumikit, nakapako ang atensyon ko dito. Sa pang-labingsiyam na putok ng bala ay tumigil siya. "Isa sa amin, isa rin sa inyo. Patas na tayo. Sa susunod na patayin niyo ang isa sa kasamahan ko o pagtangkaan pa ulit akong pigilan sa plano ko, hindi lang isa ang mawawala sa inyo."


Iyon lang at binaril niya sa ulo si Samantha. I heard Jasmine scream. Si Elena ay parang batang tumatawa naman sa isang gilid. Habang ako ay hindi alam ang gagawin. Nakatitig pa rin ako sa screen ng laptop kung saan pinagsasasaksak ng tauhan ni Deenara ang wala ng buhay na si Samantha. It was as if on cue, every memory I have of her flashed in my mind. How broken she was when her mother died and how she lost herself when she first killed someone.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon