III. Legacy

2.9K 88 6
                                    

Chapter 3

X

Disoriented ako habang nasa opisina at nakatitig lamang sa kawalan. Patuloy na umiikot sa isipan ko ang mga sinabi sa akin nila Barbara tatlong araw na ang nakakalipas at hindi ko magawang hindi mapakali at makatulog ng maayos dahil doon. Ang Legacy. Paanong may mga taong gustong mangyari ang ganong bagay?


Legacy plan, to simplify, is a wipe out plan. Ang sabi sa akin ni Barbara ay plano ng Diamonds na ubusin ang buong populasyon ng bansa. Ang alisin ang lahat ng tao dito. Kung anong dahilan? Hindi namin alam. Pero paanong nakaisip sila ng ganong klaseng bagay? Bakit nila gustong patayin ang mga inosenteng tao?


"Amy!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang sigawan ako ni team leader sa tenga. "Wala ka sa ulirat dyan."

Nakangiwing tumawa ako. "Wala. May iniisip lang ako."


Pumwesto na si team leader sa lamesa niya sa tapat ko at inayos ang mga gamit niya.


"Oo nga pala. May nakita kaming apat na shop na malapit sa opisina at apartment ng tatlong biktima." May inabot na blue folder sa akin si team leader na tinanggap ko naman. Binuksan ko iyon at nakalagay roon ang impormasyon sa apat na shop. Walang nag-ngangalang Christian sa mga may-ari ng alin man sa mga shops na iyon. He obviously changed his name. Inalis ko ang dalawang papel doon tungkol sa isang shop. "Ano ng nangyari sa paghahanap mo sa susunod na biktima?"

Nilapag ko ang folder. "Wala pa. Pero malaking tulong ito." Hindi. Dahil lalo lang akong mahihirapan ngayon.

Tinawanan ako nito. "Mahirap talaga iyon. Imposible namang malaman mo kung sino ang susunod niyang biktima."


Muli kong binuksan ang folder at binasa ang pangalan ng may-ari ng dalawang shop na nandoon, si Roman Flores at Andrew Ceballos. Sila ang tinira ko dahil silang dalawa ang nobyo ng dalawa sa listahan ng babaeng kamukha ng unang tatlong biktima at kung hindi nga naman ako sinuswerte.


Kagabi ay parehas kong pinuntahan ang bahay ni Isabel Saavedra at Meryl Mercado -- dahil sa nalaman ko na sa apat na taong may kamukha ang tatlong biktima ay silang dalawa lang ang may nobyo at nagkataon naman na parehas na nobyo nila ay may-ari ng isang flower shop -- at naglagay ako ng CCTV camera sa bahay nila. Alam kong illegal ngunit ito lang ang nag-iisang paraan para malaman ko kung sino ang susunod na biktima at mailigtas sila at mahuli na rin ang kriminal.


Natapos ang araw namin na maghapon akong babad sa aking tablet at walang dumadating na kaso sa amin. Umuwi ako sa bahay at walang Jasmine na sumalubong sa akin. Matapos kaming kausapin nila Barbara ay sumama siya sa mga ito at naiwan akong mag-isa.


Napailing na lang ako.


Kumain lang ako saglit at naligo tapos ay muling binantayan sila Isabel at Meryl hanggang sa makatulog sila ay 'tsaka lang ako natulog. Ilang araw akong tutok sa tablet ko at binabantayan ang bahay ng dalawang posibleng maging biktima.


Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay naabutan kong umuwi ng tanghali si Isabel sa kaniyang bahay kasama ang nobyo niya na si Roman, halos mapairap ako nang maghalikan silang dalawa, ngunit naagaw nito ang atensyon ko nang itulak ni Isabel si Roman at sinampal ito, nagsimulang magsalita nang magsalita si Isabel at umiyak, si Roman naman ay nagsalita na rin at tila ba nagsisigawan ang dalawa. Tinulak ni Isabel si Roman nang yakapin siya nito, mukhang nagalit si Roman dahil sinampal niya ito dahilan para mapatumba sa lupa ang babae, kaagad na pinatungan niya ang babae at sinimulan itong sakalin.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon