X. Please

2.4K 81 6
                                    

Chapter 10

X

Nagising ako nang maramdaman ko ang mabibigat na yabag ng paa ni Sef sa kwarto, nakita ko siyang nagmamadaling magbihis at kinukuha ang kanyang mga gamit. "Bakit?"

"Barbara called a meeting. Matulog ka na lang muna diyan." Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ako sa mukha, bumangon ako at sinimangutan siya.

"Bakit, hindi ba ako pwedeng sumama? I'm part of this, too, Sef." Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at nagpalit ako ng damit, naka-sando lang ako at pinalitan ko iyon ng puting t-shirt at pinatungan ko ang cycling na suot ng pantalon.

"You're tired I'll just tell t--"

"Shut up. Tara na."


Inunahan ko na siya palabas ng kwarto at naiiling na sinundan niya ako, nakasalubong ko mula sa hallway si Jasmine na pumunta sa kwarto ni Night, napangisi na lang ako at hinintay si Sef na makasabay ko sa paglalakad. Kumapit ako sa braso niya at naglakad na kami papuntang control room kung saan naabutan namin ang iilang miyembro ng Dark Chevalier -- Si Eron at Matthew -- at iilan sa aming nasa Black Rose -- Barbara, Starr, Craig, Elena, Vector at Tita Beatrice -- sila Jasmine at Night ay nahuling dumating.


"Anong nangyari?" Tanong ko at naupo sa may sopa, tumabi sa akin si Night na inaalalayan ni Jasmine. Sariwa pa rin kasi ang sugat na natamo niya.


Binigyan ko silang dalawa ng makahulugang tingin at nginisian. Mabilis na tumanggi si Jasmine at lumayo sa amin habang si Night ay tinawanan lang ako tapos ay sinundan ng tingin si Jasmine na nakatayo sa tabi ni Matthew at Eron.


"Last night someone tried hacking our system." Panimula ni Barbara. Sumeryoso ako at tinuon ang pansin sa kanya. "They tried connecting to our system and monitor every move we have, buti ay nagawan ng paraan ni Vector na putulin iyon, and tried tracing where it came from. Sa loob lang din ng headquarters nanggaling iyon."


Lumingon sa akin si Sef at tumango.


Napag-usapan na namin ito noong isang araw, pagkatapos naming makaharap si Olivia. Parehas kaming nagtaka kung paanong nalaman ni Deenara na hawak namin si Olivia dahil sigurado kaming hindi siya pupunta sa event na iyon at nasa ibang lugar siya kaya nagkaron kami ng lakas ng loob na kausapin si Olivia. Dahil wala siya. Kaya parehas kaming nagtaka kung paanong nandoon si Deenara gayong dapat ay nasa ibang bansa siya.


At ngayon ay mas nakumpirma ang hinala namin ni Sef. May espiya sa loob ng Black Rose. We didn't tell about this to Barbara because we're not sure at baka nagkataon lang. But what Barbara said just confirmed everything.


Sinabihan kami ni Barbara na bantayan ang mga miyembro ng bawat organisasyon -- Black Rose at Dark Chevalier -- kami lang ang nakakaalam sa nangyaring ito.


Natapos na ang meeting at lahat kami ay umalis na ng control room -- bukod kila Vector at Matthew na magbabantay ngayon doon.


Parehas kami ni Sef na hindi na nakatulog ulit kaya nagpunta na lang kami ng training room at doon nagpalipas ng oras hanggang sa mag-ala-sais na ng umaga at gaya ng ordinaryo naming araw ay pumunta kami sa cafeteria ng headquarters kung saan nandon na ang iilan sa ibang mga agents. Kumuha kami ng pagkain at pumwesto sa pinakadulong lamesa at tahimik na kumain habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga agents na nasa lugar.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon