XVI. Last Mission

2.7K 83 3
                                    

Chapter 16

X

"Tito," tumakbo ako palapit kay Tito Medrino at sumampa sa kanya para kargahin niya ako. Tumatawang inakay niya ako at hinalikan sa noo. Pinakapaborito ko si Tito Medrino kasi palagi niya akong dinadalhan ng pasalubong, iyong Papa kasi nila Ate Barbara tahimik lang tapos hindi nakikipaglaro sa akin kaya hindi ko siya masyadong paborito. "May pasalubong ako, Tito?"

"Oo naman, nasa sala, pati si Baby Matthew meron. Tara." Binuhat ako ni Tito at tumatawang pumunta kami sa sala, nakita namin sila Mama at Papa na nandon din, nilalaro nila si Baby Matthew.


Bumangon ako sa kama dahil sa bangungot na iyon. Wala namang masama sa panaginip ko pero isa iyong malaking bangungot para sa akin. Naiba siya ngayon. Dati ay kasama namin si Matthew pero ngayon ay kaming dalawa lang at mukhang napakasaya naming dalawa.


Hindi ko na nagawa pang makatulog kaya minabuti kong pumunta na lang sa training room at doon ko binuhos ang buong oras ko. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ko doon pero nang matapos ako ay 'tsaka pa lang dumating ang ilang mga agents.


Nakipag-sparring lang ako sandali sa isang agent ng Dark Chevalier at umalis na ng training room, at habang pabalik ako sa kwarto ko ay tinawagan ko si Juno pero ang sabi ng Tita ni Jonas ay tulog pa raw siya kaya sinabihan ko na lang siya na kapag nagising na si Juno ay tawagan ako kaagad.


Saglit na naligo at nagbihis ako bago pumunta ng cafeteria para kumain, at halos lahat ng agents ay napatingin nang dumating ako, they all look at me with fear in their eyes. Sinong hindi matatakot sa akin? Ginarote ko si Marion at dinecapitate ko ang buong katawan niya bago sinunog. i'm worst than Elena because Elena only want to see blood, habang ako, I want to see someone get tortured. And ever mission, lalong lumalala. I've taken control of this before, sixteen ako nang maging ganito ako and Tita Beatrice helped me control myself. Pero dahil sa mga nangyari sa akin, bumabalik ang lahat.


Dumiretso ako papasok at kumuha ng aking makakain na parang wala lang at pumwesto sa pinakadulong lamesa sa buong lugar.


Habang kumakain ay iniisip ko kung ano bang susunod na pagkilos na gagawin namin dahil hanggang ngayon ay wala pa ring plano na nababanggit si Barbara, kapansin pansin lang ang palagi niyang pag-alis sa headquarters kasama si Matthew at Tita Beatrice, hindi ko alam kung para saan ang pag-alis nila at hindi na rin ako nagtatanong pa. May tiwala naman ako kay Matthew.


Dumating si Elena at sinamahan ako sa pagkain. Wala siyang sinabing kahit ano, tumabi lang siya at tahimik na kumain kasama ko, pero kapansin pansin ang malawak na ngiti sa mukha niya, kakaibang ngiti iyon - hindi klase ng ngiti na masaya siya dahil nakapatay siya, kundi iyong ngiti ng taong masaya talaga dahil may masayang nangyari sa kanya. Gusto kong magtanong pero ayokong magmukhang nang-uusisa ng buhay kaya minabuti ko na lang na manahimik na lamang.


Nang parehas kaming matapos sa pagkain ay sabay na kaming umalis ng cafeteria, pumunta siya sa control room habang ako ay nagdesisyong bumalik sa aking kwarto, bigla ring tumawag ang Tita Jonas, gising na raw si Juno kaya naman ay nag-usap pa kaming dalawa.


Mga isang oras ang naging pag-uusap namin ni Juno nang makita ko na umilaw ang isang kulay asul na ilaw sa tabi ng pinto ng kwarto ko. Ibig sabihin noon ay nagpapatawag ng meeting si Barbara. Tinali ko ang buhok ng pusod at pumunta sa may conference room, sa conference room sa ikalawang palapag ng headquarters, mas malaki kasi iyon kumpara sa conference room na ginagamit ni Barbara kapag kaming iilang representative agents lang ang pinapatawag -- iyong kulay blue na ilaw ang nagbigay impormasyon na ipinapatawag ang lahat.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon