XIV. Minahal Kita

2.9K 88 7
                                    

Chapter 14

X

"Halos dalawang linggo na ang nakalipas nang may isang malaking epidemya ang nararanasan ngayon ng mga taga-Batangas dahil sa isang hindi maipaliwanag na virus na kumalat sa buong lugar. Mahigit kumulang na dalawang daang katao ang namatay dahil dito. Pinag-aaralan na ng DOST kung saan nagmula ang virus. Sa ngayon, ay sinasabihan ang mga mamamayan na lumikas muna..."


Kinuyom ko ang palad ko sa galit at nang hindi na ako makapagtimpi ay kinuha ko ang baril sa aking holster at mabilis na kinasa iyon at binaril ang telebisyon dito sa cafeteria. Lahat sila ay bakas ang pagkagulat sa ginawa ko ngunit hindi ko iyon pinansin at tinalikuran silang lahat para pumunta sa opisina ni Barbara. Nakita kong frantic na rin si Barbara sa kanyang opisina pagdating ko, kasama niya roon si Eron na pilit naman siyang pinapakalma.


"Akala ko ba ay sa kaarawan pa ni Deenara?" Pasigaw na tanong niya at hindi malaman ang gagawin. Nagpapabalik balik lang siya ng lakad. We both know the answer to her question. Malamang ay binago na nila ang plano nila dahil iyon na ang alam namin. Why would they pull out a plan that plan if we already know it?


Ang ikinababahala ko lang ay mukhang mas naging delikado ang typhon ngayon. Hindi ito katulad ng nangyari noon sa Laguna -- sa lugar nila Paige -- walang naganap na pagsabog. There's a possibility na aerial ang pagkalat ng virus, and it's even harder to control. Lalo pa ngayon na pinapalikas na nila ang mga tao mula sa Bulacan papunta sa ibang lugar. The virus can easily be transfered to other place by that.


"Nagawa na ba ang antidote para doon?"

Umiling si Barbara. "Pumunta ngayon sa Bulacan sila Dr. Villabroza para makakuha ng blood sample ng mga tinamaan ng sakit, at susubukan nila kung kakayanin na ba ng antidote na ginawa nila ang malabanan ito. Pero sa ngayon ay wala pa."


Umalis ako ng opisina at pumunta sa may laboratory, ang nandon lang ay ang kasamahan ni Dr. Villabroza na si Dr. Orozco na hindi rin magkanda-aligaga sa pagbabalik balik sa mga chemicals at pagsilip sa microscope niya.


Tinali ko ang buhok ko at kumuha ng laboratory gown sa may rack, at kumuha rin ng gloves, hair cap at mask bago nilapitan si Dr. Orozco sa ginagawa niya, tila hindi niya napansin ang presensya ko dahil hindi pa rin siya mapakali sa pagkuha ng petri dish at isa isang nilagyan ang tatlong petri dish ng kulay pula na likido -- ang typhon -- at kumuha siya ng tatlong magkakaibang chemical at pinatakan ang bawat petri dish ng magkakaibang chemical, nilagyan niya ang bawat petridish ng label para hindi magkapalit palit ang mga ito. Nilagay niya ang isang petridish sa ilalim ng microscope -- iyon ay ang petridish na nilagyan niya ng methotrexate.


"Dr. Orozco," pagtawag ko sa kanya, natigagal siya at muntikan nang masagi ang microscope na ginagamit kung hindi ko lang siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Dapat po siguro ay hintayin muna natin ang blood sample na makukuha nila."

Sunud sunod ang naging pag-iling niya. "Hindi pwede. Kailangan ko 'to matapos. Sa Bulacan nakatira sila Nanay... posibleng... hindi, hindi posible dahil sigurado akong nahawaan na sila ng virus kaya kailangan ko na itong matapos."

"Naiintindihan kita, pero sa kalagayan mo ngayon, hindi ka makakapag-isip ng maayos.


Umalis muna tayo dito at tawagan natin sila Dr. Villabroza, at sabihin sa kanila na kunin ang magulang mo doon. May safe room naman tayo para sa kanila dito" Nagsimula na siyang umiyak at tumango na lang sa akin. Pinaupo ko muna siya sa isang high stool dito at nilagay ang mga petridish sa may fumehood tapos ay inalalayan muli si Dr. Orozco palabas ng laboratory.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon