I. Identical

4.4K 117 6
                                    

Chapter 1

Amy Mendoza

"Ano ito?" Tanong ko sa mga kasamahan ko at inangat ang isang box sa aking lamesa.

"Kaso na galing sa kabilang team, binigay sa atin." Napabuntong hininga ako. Tuwing hindi nila masagot ang mga kaso ay sa amin na lang palagi tinatapon. May iba rin naman kaming hawak na kaso.

"May ha-" pinutol ako ni Jason - ang pinakabata sa team namin.

"Nahuli na po namin. Tama ka po, iyong driver nga po niya ang pumatay sa kanya, may nahanap kaming finger print sa kwarto ni Melissa na nagmatch sa kanya."

Ang tinutukoy ni Jason ay ang huling kaso naming kung saan ang asawa ng Mayor dito sa Pamanga ay natagpuang patay sa kanilang kwarto, noong una ay akala namin ang Mayor ang pumatay sa kanya ngunit dahil sa paghihinala ko sa relasyon ng babae at ng personal driver nito ay pinahanap ko sila na magpapatunay na mayroong relasyon ang dalawa.

"Ayaw po palang hiwalayan ni Melissa si Mayor kaya pinatay niya. Selos."

Sinabihan ko siyang babasahin ko muna ang bagong kaso na ibinigay sa amin at umalis na siya. Umupo ako at nilabas ang mga files sa loob ng box, ang una kong binuksan ay ang folder na naglalaman ng litrato at ng description tungkol sa victim at crime scene.

Martha Salumbides, 23 years old, single at nagtatrabaho bilang accountant sa isang bangko dito sa Pampanga. Natagpuan ang bangkay niya ng landlady niya sa tinitirahang apartment sa may Sta. Filomena.

Tinitigan ko ang litrato ng crime scene at may kung anong bagay akong naaalala mula dito. Pamilyar ang crime scene na ito. Mula sa malinis na katawan ng babae sa pagitan ng coffee table at sofa sa bahay niya, pati ang bulaklak na nakalagay sa kamay ng babae. Pamilyar ang lahat ng ito.

"Jonas, may naaalala ka ba sa litratong ito?" Tanong ko sa isa ko pang kasama sa team ko at inabot sa kanya ang litrato ng crime scene. Ilang minuto niyang tinitigan ang litrato at kumunot ang noo niya.

"Oo. Naging kaso rin ng sa kabilang departamento pero tinigil ang pag-iimbestiga dahil sa walang nahanap na ebidensya."

"Bakit hindi pinasa sa atin?"

"Naisara na ang kaso kasabay ng pagdating mo." Tumango ako sa kanya.

Tama siya. Iyon iyong kaso na nakita ko sa kabilang departamento na inaalis nila sa board nila. I now remember.

Nagpasalamat ako kay Jonas at isinantabi ang mga files na hawak ko at nagsimulang magtipa sa keyboard, hinanap ko ang mga unresolved cases na meron kami sa loob ng limang buwan, inisa isa ko ang mga kaso hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Ang kaso ni Mathilda Gorecho, katulad ni Martha ay natagpuan siyang patay na sa kaniyang bahay. Binuksan ko ang litrato ng crime scene at katulad ni Martha ay malinis ang katawan nito at kapansin-pansin ang hawak na bulaklak.

"Amy, may kaso raw sa San Isidro," tawag sa akin ni Jonas at inayos ang kanyang lamesa upang maghanda paalis.

"Pero may kaso na tayo, diba?"

"Unahin daw muna ito." 'Tsaka siya naglakad paalis, inayos ko ang mga kalat sa lamesa ko at sumunod na sa kanila.

Bumyahe kami papunta sa isang apartment sa San Isidro, ipinaliwanag ni Team Leader ang nakita doon, isang babae na natagpuang patay ng kanyang kaibigan sa kanilang apartment. Labing limang minuto lang ang binyahe namin ay nakadating na kami sa apartment building at napapalibutan na ng mga pulis ang lugar, nakita nila kami at madaling pinapasok sa loob tapos ay inabutan ng gloves.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon