V. Family

2.6K 89 4
                                    

Chapter 5

X

Kahit na hindi gumana ang plano namin na pag-hostage kay Juno ay nagpatuloy kami ni Night sa pagpapanggap bilang bodyguard ng bata. Barbara said that continuing this is a stupid idea pero pinabalik nila ako. Halos magmakaawa sila na bumalik ako sa Black Rose kaya dapat ay hayaan nila ako sa kagustuhan kong ito. Pinatigil na niya sila Jasmine at Samantha sa pagmamasid kila Olivia at Deenara at kami na lang ni Night ang nagpapatuloy sa ginagawa namin.


If there's one thing I learned while I was working in Pampanga, that is to wait. May mga kasong kaming inaabot ng ilang araw bago maresolba dahil may mga kailangan kaming sunding protocol sa pag-iimbestiga, hindi kagaya sa Black Rose na wala kaming sinusunod na paraan, nakukuha namin ang mga sagot na gusto namin ng mabilisan kaya naman ay minsan mas lalong hindi nasasagot ang katanungan namin kasi hindi kami marunong maghintay.


"Ate," halata na bored na si Night sa ginagawa namin pero wala na lang siyang magawa kundi ang samahan ako. Hindi ko siya pinansin at patuloy na pinanood si Juno na gumuguhit sa may garden. Nakahiga ito sa damuhan at ang buong atensyon ay nasa ginuguhit niya.


Ilang sandali ay tumayo na siya at tumakbo palapit sa akin habang hawak hawak ang isang papel, nakangiti niyang inabot sa akin ang papel na iyon, lumuhod ako upang magkalebel ang mukha namin at tinanggap ang ginuhit niya. Litrato ulit iyon ng pamilya nila at sa likod nilang tatlo ng magulang niya ay ang isang malaking bahay.


"Bakit hindi mo ito binibigay sa Mama mo o sa Papa mo?" Tanong ko.


Kahit kailangan kasi ay hindi niya iyon sinubukang ibigay sa magulang niya. Noong isang linggo ay dumating ang magulang niya at sabay sabay silang naghapunan, gumuhit siya ng litrato nilang pamilya ngunit imbes na iabot iyon sa ama o ina niya nasa malapit lang ay kay Night niya iyon binigay.


I know that her father could not care less for her daughter, pero bilang isang bata, bulag ka kung mahalaga ka ba ng magulang mo hindi kaya naman nakapagtataka na hindi niya rin binibigyang pansin ang ama niya.


"Ayaw naman ni Daddy, eh," inosenteng sagot ni Juno at yumuko.

"Sinubukan mo na bang ibigay sa kaniya?" Tumango siya at tumingin sa akin.

"Pero nitapon niya lang. Hindi naman ako love ni Daddy, eh. Si Ate Eunice lang ang love niya." Lumapit si Night sa amin, kumunot ang noo ko.

"Sino si Ate Eunice, Juno?" Sumimangot si Juno.

"Siya lang love ni Daddy." Sagot niya at niyakap ako.

"Nasan siya?"

"Wala siya dito. Sa iba sila nakatira. Mas love sila ni Daddy kesa sa amin ni Mommy." Nagsimulang umiyak si Juno kaya naman ay minabuting inakyat na namin siya sa kanyang kwarto, at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ito sa kakaiyak.


Inutusan ko si Night na magtanong sa mga kasambahay dito sa bahay nila kung sino si Eunice, mga babae naman halos ang nagtatrabaho dito kaya madali na iyon para sa kanya habang ako naman ay nilabas ang aking cellphone ko, nakakonekta ito sa server ng Black Rose at hinanap ko ang file kay Senator Abueva. Walang nakalagay na impormasyon tungkol sa Eunice na iyon at kahit anong paghuhukay ko kung sino si Eunice ay wala akong mahanap. One thing is for sure, kung sino man ang Eunice na iyon ay maaaring siya na ang hinahanap naming kahinaan ni Abueva.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon