XI. Sorry

2.5K 95 10
                                    

Chapter 11

X

Kinabit ko ang silencer sa aking baril at binaril ang rebulto ng mga santo dito sa simbahan. Paulit ulit ko iyong binabaril at sa tuwing mauubos ang bala ay papalitan ko lang ang magazine nito at muli silang pinagbabaril.


"Sabi nila totoo kayo? Pero anong ginagawa niyo? Bakit? Dahil ba sa hindi ako nagdadasal? Paano ako magdadasal kung paulit ulit niyo akong binibigo? At sa oras na kailangan ko kayo, muli niyo na naman akong binigo? Eh, putangina niyo pala!" Tatlong beses pa akong nagpaputok nang maubos na ang bala sa baril ko. Napaluhod ako sa sahig at umiyak.


"Xiara, I'm sorry..." Nakayukong saad sa akin ni Dawn na siyang doctor na nag-opera kay Sef. "Natamaan ang sensitibong parte ng spine niya, we couldn't save him."

"Bullshit! Tatawagan ko si Bree. Mga wala kayong kwenta!" Sigaw ko at naghanap ng telepono na magagamit para matawagan si Bree pero wala kong makitang kahit ano dahil hilam na ang mata ko sa luha. Lumapit sa akin si Jasmine. "Jasmine, tawagan mo si Bree. Kailangan siya ni Sef."

"Ate, he's dead. Kahit si Bree ay wala nang magagawa pa..."

Tinulak ko siya, bumangga siya sa pader. "HE IS NOT DEAD! Magagamot siya ni Bree kaya tawagan niyo siya!"


Kasalanan ko 'to. If I wasn't too careless ay hindi sana kinailangang protektahan pa ako ni Sef. Pinrotektahan niya ako kaya ngayon ay nasa ganitong sitwasyon siya. Tama si Matthew noon... katulad ng nangyari kay Marcello, namatay si Matthew dahil sa pagprotekta sa akin. It was all my fault. All mine. Dapat ay ako na lang ang mawala.


"Siya na lang ang meron ako... siya na lang. Bakit pati siya? Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari. Sino pa ba ang aagawin mo sa akin? Kung totoo ka, bakit mo 'to ginagawa? Bakit ako pa? Wala naman akong hinangad kundi ang mapabuti ang lahat, alam kong marami akong nagawang masama, pero binabago ko naman. Alam kong masama ako... pero bakit? Bakit ako? Bakit sa akin ito nangyayari? KUNG TOTOO KA SAGUTIN MO AKO!"


Binato ko ang hawak na baril at halos mahiga na ako sa lapag sa sobrang panghihina. I was weeping loudly, wala akong pakielam kung may makarinig man sa akin. Alam kong may mga pari na nananatili sa loob ng simbahan, at kung marinig man nila ako, then good. I can tell them how their so called God is messing with everyone. How their God, enjoys when people are suffering.


Baka naman nga kasi, totoo talaga siya. Maybe he's real. He just doesn't care about us.


"Hija," may mainit na kamay ang humawak sa balikat ko at pakiramdam ko ay tumayo ang balahibo sa aking katawan, I felt cold. Nilingon ang taong tumawag sa akin, nakasuot ito ng kulay itim na sotana. "Anong nangyari?"


Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tumayo mag-isa, inalalayan ko pa ang sarili ko sa pamamagitan ng paghawak sa pew na malapit sa akin. Nakita kong tumingin sa may altar ang pari at gulat na nag-antanda ito.


"Anong nangyari, hija?" Puno ng pag-aalala niyang tanong sa akin.

"Well, they're not real anyway, babayaran ko na lang kayo." Mabagal na naglakad ako paalis nang muli akong hawakan ng pari. Nilingon ko siya ng walang makikitang emosyon sa aking mukha.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon