XIII. Mababago

2.4K 82 4
                                    

Chapter 13

X

"Ate Amy!" Tumakbo palapit sa akin si Jason, Jonas at team leader at kinulong ako mula sa mga yakap nila.


Nakita kong pinagtinginan kami ng iba pa naming mga kasamahan kaya naman ay tinulak ko sila palayo sa akin tapos ay kaagad akong nilapitan ni Matthew para protektahan mula sa kanila. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha nilang tatlo pati ng iba pa naming kasama dito, lalo na ang reaksyon ng mga kababaihan, at mas lalo pang natuon ang pansin nila nang dumating sila Night at Jasmine.


"Sophia?" Tawag ni Jason kay Jasmine tapos ay agad itong niyakap, Night immediately pull Jason away from Jasmine at binigyan ito ng masamang tingin.


Sinabihan ko silang tatlo kung pwede silang sumama sa akin dahil may kailangan akong ipaliwanag sa kanila at buti na lang ay maaga ang off nila ngayon dahil wala silang hawak na kaso ngayon. Sumakay kaming lahat sa Range Rover ni Matthew at pumunta sa dati naming tinitirhan ni Jasmine. Doon niya rin kinausap ang mga kasamahan niya dati sa klinika na sa tingin ko ay naging maganda ang resulta dahil nakangiti siya ngayon.


"Bakit bigla kang nagresign, ate? 'Tsaka sino iyong bata na pinabantay mo sa akin?" Sunud sunod na tanong ni Jonas sa akin, nagulat naman si team leader at Jason sa tinanong ni Jonas. Wala kasi silang alam tungkol sa pag-contact ko kay Jonas at sinabihan ko rin si Jonas na h'wag iyon sabihin sa kanila.

"Mamaya ko ipapaliwanag." Tipid na sagot ko.


Pumasok kaming lahat sa bahay, pinaupo ko sa may sopa sila team leader at sinabihan sila Matthew na iwan muna kaming apat.


"Ano ba ito, Amy?" Tanong ni team leader. I looked at him and smiled.

"First things first, my name's not Amy, my name's Xiara Aranzamendez and I'm a skilled assassin." Napatitig silang tatlo sa akin na bakas ang hindi pagkapaniwala, wala silang nasabing reaksyon kaya naman ay pinaliwanag ko ang mga kailangan kong ipaliwanag.


Mataman silang nakikinig sa kinukwento ko. Simula sa pagkamatay ng nanay ko hanggang sa malaman ko ang tungkol kay Marcello. Pati ang pagkamatay ni Abueva ay inamin ko sa kanila. Wala silang reaksyon. Tahimik at seryosong nakikinig lang sila -- na mas kinatakot ko dahil mas mabuti nang may marinig kang komento sa isang tao kesa iyong tahimik lang sila dahil hindi mo malaman kung ano bang tumatakbo sa isip nila.


Sinabi ko rin ang tungkol sa Legacy sa kanila kahit na pinagbabawal iyon pero alam kong mapagkakatiwalaan silang tatlo. The people I met outside the organization are the people I trust the most at bago ko pa sila makatrabaho ay nagsagawa na ako ng background check sa kanilang tatlo.


"Wow," hindi mawari kung natatawa o maiiyak na saad ni Jonas.

"I don't expect you to believe me pe--" hinawakan ni Jonas ang kamay ko at sinserong ginawaran ako ng ngiti.

"Naniniwala ako sa'yo, Ate." Ngumiti ako sa kanya at mahinang pinisil ang kamay niya. Nilingon ko sila Jason at team leader na parehong seryoso at may malalim na iniisip. Parehas kami ni Jonas a tinitigan lang sila na nasa ganong posisyon. Halos hindi sila kumurap sa pwesto nila.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon