VIII. Talk

2.8K 85 22
                                    

JhasMean: Tatry ko po ulit mag-UD bukas. Thanks!

--------------------------------------------------------------------

Chapter 8

X

"The Liberal party will be having a ball three days from now..." Panimula ni Barbara.


Lahat kami ay nasa opisina niya, pati si Starr na maayos na ang lagay ngayon pero paminsan minsan ay tumutunog ang alarm ng headquarters dahil tuwing nananaginip siya ay nagwawala at minsan pa ay nagpaputok siya ng baril but she's adjusting. Hindi pa nga namin sinasabi sa kanya na patay na si Kein dahil baka mas lalong lumala ang kundisyon niya. Pinayo rin iyon ni Bree sa amin. When she's fully recovered ay doon na lang namin sasabihin sa kanya.


"So instead of doing some charity works dahil mangangampanya sila sa darating na eleksyon ay mas pinili nilang magkaron ng isang selebrasyon at magpakain ng mga taong may pera naman pambili ng pagkain nila." Komento ni Sef na nasa tabi ko. Mahinang natawa ako sa sinabi niya at mahinang siniko siya. He smiled at me.

"What about it?" Tanong ko kay Barbara.

"We'll join the party." Ngumisi siya.


Three days from now, the Liberal Party will be having a grand ball celebration para sa pangangampanya nila. Ayon kasi sa statistics ay ang partida nila ang nangunguna, at malaki ang tyansa na manalo sila sa darating na eleksyon sa Hunyo. And that would be in less than five months. Barbara's plan was to go to the ball -- nagawan ng paraan na makakuha ng imbitasyon ni Barbara at gagawa kami ng replika no'n upang makapasok kami.


We'll be divided into three, ang grupo na papasok sa mismong party -- si Jasmine, Night, Elena, Barbara, at ang tatlong miyembro ng Dark Chevalier na sina Eron, Paul, at Anthony. Ang ikalawang grupo ay ang magpapanggap na staff -- ako, si Sef, Craig, Matthew at dalawa pang miyembro ng Dark Chevalier na si Richard, at Antonio. The third team will be our eyes and ears, iyon ay sila Vector, Starr at Marion. 


We waited for three days to pass, wala naman kaming masyadong paghahandaan, Barbara made sure that what will happen in that party will not end in blood. Walang masasaktan kahit galos. Ang gusto lang niyang mangyari ay makausap namin si Olivia. Iyon lang.


Natakot na rin kasi ang buong Black Rose dahil sa nangyari kay Samantha na noong isang araw ay dumating ang bangkay -- pinadala ito sa address ng bahay ni Barbara. I didn't see the body, wala akong lakas ng loob na makita ang patay na si Samantha. Jasmine saw it, at ang sabi sa akin ni Sef ay nawalan ito ng malay pagkakita. He saw it too, at sinabihan ako na h'wag ng gustuhin pang makita iyon. So I didn;t even try, dahil base pa lang sa naging reaksyon nila I know it will just break me more.


For three days, all I did was train myself, exhaust myself to the point that I'll wake up, train and then sleep. Iyon ang naging routine ko simula nang dumating ang bangkay ni Samantha hanggang sa dumating ang gabi ng grand ball ng Liberal party.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon