IX. Stop

2.5K 87 9
                                    

JhasMean: Baka next week na ang next UD. Thanks! :)
------------------------------------------------------------------------

Chapter 9

X

"What do you want to know? My platform?" Tumawa pa siya sa sinabi.

Si Barbara ang sumagot sa kanya. "We don't want to know all your lies. We want to know the truth. Kailan niyo isasagawa ang Legacy plan?"

"So you already know about that?" Ngumiti pa ito. "Sa kaarawan ng taong nag-isip ng plano na ito."


Kaarawan ni Deenara? That's in less than two months!


Tumawa si Olivia nang makita ang reaksyon ko tapos ay ngumisi sa akin.


"Kamukha mo si Marcello." Komento niya. Nawala ang pagkagulat ko at napalitan ng galit sa kanya.

Tumayo ako ng diretso at taas noong tinignan siya. "Bakit niyo ito ginagawa?"

"Simple lang. Because we're monsters." Sagot niya nang hindi kumukurap at pinuputol ang tingin sa akin. "But we are not the only monster here. Kahit kayo... at hindi rin magtatagal ay pati ang mga inaakala mong inosente ay magiging katulad na rin natin. And we have to stop that. Wala ng kinabukasan ang bansa natin."

Nag-alab ang puso ko sa galit. "That's why we are trying to change it!"

"Don't you think it's too late for that? Change for our country won't result for its betterment. Mas lumalala lang. Lalong nasisira ang matagal nang may lamat. So why not destroy it?"

"You're lunatic." Nakangiwing saad ko. "You're crazy. Anong klaseng tao kayo?"

Ngumiti siya. "Parehas lang tayo, hindi mo ba iyon nakikita?"

"No, we're different. Hindi namin kayang pumatay ng inosenteng tao para lang sa sinasabi niy--"

"But you kill people. Inosente, kriminal? Anong pinagkaiba non? Ang pagpatay ay pagpatay. Anong kinaibahan natin?

"We're trying to make everything better." Sagot ni Barbara sa tanong niya. "Sa tingin niyo ay mas mapapabuti ang bansa kung mawala na lang ang lahat ng tao rito, kami, hangga't may nakikita kaming paraan para mabago at mapabuti iyon ay ginagawa namin. We kill criminals, it's no different from killing innocent. Pero kapag nabawasan ang masasama, people will change for the better."

"Ah. You're hoping. You're hoping that everything will be better someday."

"Because it will be..."

"Don't you think you'll just prolong the inevitable?"


Hindi tinatanggap ng utak ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Mali. Maling mali ang mga sinasabi niya. What she's pointing out is that people are not capable of redemption. Kahit gaano pa kapangit ang sistema ng Pilipinas, kahit gaano man karami ang krimen, kahit gaano kadumi ang patakaran ng bansa... dapat hayaan ang taong magbago. We learn from our mistakes. At sa nakikita ko sa bagong henerasyon ngayon, they know things. Naiintindihan na nila. Unti unti na sila nagkakaron ng pake sa kalagayan ng bansa. They speak their mind.

Art of Assassination Trilogy (Book 3): AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon