XX: Falling in love with wrong guy.

35 1 0
                                    

XX: Falling in love with wrong guy.

Phoebe...

Kung anong tinapang ko kaninang kausap ko si Asia papunta dito sa trabaho niya siya namang kinakaba ko ngayong nandito na kami sa tapat ng building nila.

"We're here!" masiglang sabi pa ni Asia buti na lang hindi niya na halata na kinakabahan ako.

Di na lang ako nagreact sa sinabi niya binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse niya habang dala ko ang paper bag na laman ang jacket nang Liam na yun.

Nagtataka kayo wala akong body guards? Wag kayong magalala kasunod naming sila. :p

"Phoebe my staffs just called and sabi nila nasa loob na daw si Liam." Sabi pa ni Asia sabay yakap sa braso ko at hinatak ako papasok ng building.

Pagkadating namin sa set pinatawag agad ni Asia ang mga assistant niya.

"paki tawag si Liam please kailangan ko siyang makausap muna papuntahin niyo muna siya sa office ko." What? Akala ko ba temporary lang siya dito bakit may office agad? Iba na talaga pag magaling, VIP treatment ang peg.

Pumasok kami agad sa office at hanggang ngayon di pa rin ako nagsasalita dahil nagiipon pa rin ako ng lakas ng loob.

"cous can I stay here? Gusto ko kayong Makita at marinig na naguusap." Kinikilig na sabi niya. What the! Ano ba yang mukha niya kumikinang ang mga mata weird.

"No! It's between me and Liam only." Tipid na sabi ko.

"hmmp! Damot naman!" nakapout na sabi niya sabay ayos ng glasses niya at kinuha ang camera. Ako naman iniikot ko lang ang mga mata ko sa office niya na may kalakihan din, meron din kaming malaking picture doon na magpipinsan.

Most of the pictures are those pictures who won award from different countries na sinalihan niya noon pang nagsisimula siya.

*knock knock*

Natigilan ako ng marinig ko ang katok...

Heto na...

Kalma ka lang Phoebe remember galit ka ok galit.

"hoy! Hindi ba talaga ako pwedeng magstay dito habang naguusap kayo? Office ko naman to eh." Naiinis na sabi niya habang kinakamot ang ulo.

"NO!" mabilis na sagot ko na di man lang siya nililingon at naramdaman ko na lang na padabog siyang lumabas ng office.

Narinig ko pa siyang nagsalita pagkasara ng pinto.

"Ako ang nagpatawag sayo may gusto kasing kumausap sayo nandyan sa office ko sige enjoy!" mataray na sabi pa niya.

So it means si Liam na nga ang kumakatok, huminga ako ng malalim para makaipon ako ng lakas ng loob ko.

"Excuse m----"

Hindi ko na siya napatapos at bago pa ko tuluyang makaharap sa kanya ibinato ko sa kanya ang jacket nang...

O____________O

"Who the hell are you?" masungit na sabi ko dahan dahan niyang inaalis ang jacket na tumama sa mukha niya.

Napalunok ako sa nakita ko...

Hindi siya yung lalaki nung isang gabi hinding hindi...

Mas lalo pa kong nagulat nang Makita niya ko ng tuluyan.

Waaaaaaaaaaaaaa Phoebe bakit kasi bato ka ng bato ibang tao pala siya!!!

"Who the hell is me???" sarcastic na tanong niya sabay tingin niya sa akin ng masama. Medyo nakakatakot mga tingin niya at ni di ko magawang tignan siya sa mga mata pero syempre hindi akong pwedeng magpahalata.

Stupid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon