III. Marc Liam Albis
“It’s all your fault!kung hindi dahil sayo hindi mapapahamak si mommy!” umiiyak at galit na galit si Alvin habang sinisigawan ako sa nangyari.
“Alvin stop it! It was an accident. Walang kasalanan ang kapatid mo.” Niyakap ako ni dad at suot pa niya ang damit niya na duguan.
Ramdam ko ang takot… sakit… lungkot… kay dad pero ayaw niya itong ipahalata sa amin.
Naghihintay kami sa labas ng emergency room dahil nabunggo si mommy.
Nabunggo siya ng dahil sa akin.
Galit na galit si kuya Alvin sa akin dahil kung hindi ako niligtas ni mommy baka ako ang nasa emergency room ngayon at nagaagaw buhay.
Earlier…
Its suppose to be a family dinner and a wedding proposal. Surprise naming tatlo kay mom, kaya walang ka idiidea si mom kung bakit namin siya pinag ayos at kaming tatlo naman talagang naka suit and tie pa. She thought it was just a romantic dinner with her family and di niya alam balak mag irenew ni daddy ang kasal nila.
Bumaba na kami sa sasakyan when kuya told me na iwan ko daw yung bolang dala ko sa car. Kaya I decided to look for dad kung saan siya nagpark.
Si kuya naman sinamahan na si mommy sa loob.
Nakita ko na ang sasakyan namin kaya nagtatakbo ako papunta doon ng mabitawan ko ang hawak kong bola at pumunta sa may tabing daan.
Tumakbo ako para kunin ang bola, at ng pabalik na sana ako para puntahan si dad sa may parking tsaka ako nakarinig ng malakas na busina ng palapit na sasakyan.
*beeeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppppppppppppppppppppppppp!!!!!!!!!!!!*
Paulit –ulit siyang bumibusina pero di ko maigalaw ang mga paa ko, sa pag aakala kong magiging katapusan ko na. ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa takot.
Naramdaman kong tumilapon ako pero di kalayuan, hindi pa pala ako patay.
“Mommy!!!! Mommy!!!” boses ni kuya Alvin ang naririnig ko habang humahagugol.
Hindi ako makatayo sa pagkakahiga ko. Nararamdaman ko din ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko.
Nang tignan kong muli si kuya, nakita kong umiiyak siya kasama ang duguang babae pagkatapos nun ay tuluyan na kong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nasa ospital na ko at nakahiga habang si kuya Alvin ay masama ng tingin sa akin at nagluluha ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Stupid For You
Ficțiune adolescenți"When you love someone you got to learn to let them go." -When I Dream About You "I'm sorry, but I think we should stop this and be friends. JUST FRIENDS." "ok... FRIENDS." I know how much I love him and letting him go was never easy. Ayos lang ban...