XV: I Have No Choice...

76 3 0
                                    

XV: I Have No Choice...

 

Brayce...

"Kuya pinapatawag kana nila mommy kailangan na daw tayong umalis baka mahuli tayo sa dinner natin with Alvarez." Narinig ko si Gia na nagsasalita habang nasalabas ng kwarto ko.

"kuya please kausapin mo na ko kahit papasukin mo lang ako sa loob ng room mo."

Hindi pa din ako sumasagot, Today was our first family dinner with Alvarez. Official na daw kasing ipapaalam sa public ang kasal namin ni Jessie and ang Merge ng mga company namin.

It's been few months since we graduated... ilang buwan ko na bang din nakikita si Selestine? It was like a year not seeing her nor even hear her voice, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na di ko siya nakikita kahit isang beses lang sa isang linggo.

Umalis kami agad papuntang china para ayusin ang kasal para na rin magkaroon kami ng panahon ni Jessie na magkakilala.

Ayokong umalis nung mga panahon na yun pero ano bang magagawa ko?

FLASHBACK:

"Sir kailangan na po nating umalis mahuhuli na po kayo sa flight nakaalis na po sina Sir." Yaya sa akin ni butler Jerome.

Nasa tapat kami ngayon ng bahay nila Selestine, gusto ko siyang Makita kahit saglit lang kahit hindi na kami magkausap.

"saglit na lang please... gusto ko lang talaga siyang Makita kahit ngayon na lang." pakiusap ko sa kanya.

Umabot pa ng ilang minute pero wala pa rin akong nakitang lumalabas sa kwarto niya gaya ng ginagawa niya tuwing umaga, kahit sa gate man lang nila na lumalabas at magjogging kasama ang alaga nila.

"sir Brayce, kung gusto niyo po talagang makausap si ms. Selestine, wag lang po kayong maghintay." Tsaka niya tinuro ang door bell sa gate nila.

Gusto ko din sanang gawin yun pero dahil sa nangyari at sa mga sinabi ko sa kanya I don't think may mukha pa kong maihaharap sa kanya.

"umalis na tayo." Maikling sabi ko kay butler at papasok na sana ako sa loob ng kotse ng bigla akong napabalik ng tingin sa bahay nila Selestine dahil Bumakas ang gate nila at may isang kotse na lumalabas. Kotse ni Ate Angela.

Pinagmasdan ko lang ang sasakyan pero nagtaka ako dahil tumigil ito sa tapat ng kotse pagkalabas niya sa gate nila.

"What brought you here?" lumabas si Ate Angela sa kanyang kotse. Malumanay pa rin siyang magsalita di gaya ni Khiyle ayaw kasi nun sa akin.

"I came to see Selestine, pero paalis na ko." Pilit akong ngumiti sa harap niya. Nahihiya ako dahil wala man lang akong makitang kahit anong galit sa itsura niya. Mas gusto ko pang inaaway niya ko sinisigawan niya ko dahil sa ginawa ko.

"hmmm She's not here, pinasundo siya nila Mom kina tito Yupert and Kyth para doon muna pansamantala habang..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Oo alam ko ako dahilan. At kasalanan ko lahat to kung ano man ang nangyayari kay Selestine.

Stupid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon