II. Selestine Artemis Airsky Villmontez

208 11 5
                                    

II. Selestine Artemis Airsky Villmontez

                 Makulit, madaldal, maloko at naghihingangalo ang mga grades nung mga school days pa ahahaha. Maganda, talented, mabait, sumpungin... retar--- NO!!!

Letcheng Brayce yun bakit ba kasi tinatawag akong retarded eh. Porke matalino siya ako retarded na agad . Kainis na isip ko na naman siya.

Bakit ba kasi hindi ako maka move on sa mga pinaggagawa nya noon sa akin. Kung tutuusin ang laki na ng pinagbago ko. Dati lagi na lang naka depende sa mga mahal ko ang buhay ko,  Ngayon? Hindi na... lumipat na nga ako ng bahay dahil gusto ko masanay ang sarili ko na magisa. And gusto ko patunayan sa sarili ko na mali ang mga sinabi ni Brayce na masyado akong dumedepende sa kanya.

First mom and dad are against it, pero dahil na rin sa pagpipilit ko pumayag na sila pero siyempre kailangan daw every weekends uuwi ako sa bahay namin.

FLASHBACK

"Mom... dad... gusto ko po lumipat ng bahay." Nakayuko at mahinang boses na pagkakasabi ko habang kumakain kaming lahat sa long table.

Sila ---> O______O

 katahimikan...

"Gusto ko lang pong maging independent. Susubukan ko pong humiwalay sa inyo." Pagpapatuloy ko.

Sila nakatingin lang sa akin.

"Baby Sel, may problema ba?" tanong ni kuya Jacob na di na siguro natiis kaya nagtanong na.

"wala po kuya, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko na." mabilis na sagot ko.

Napagisipan ko na kasi talaga to, and nakapili nako ng condo na bibilhin ko pero kailangan ko muna malaman kung papayagan nila ako ayoko naman kasi umalis na ang  isa sa kanila eh di sangayon sa desisyon ko.

"pero baby, delikado para sayo ang magisa, nakikita mo ba mga nasa balita, madaming mga narerape at pinapatay, dito ka na lang." si ate Angela naman ngayon ang nagsalita.

"pero at----" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang tumayo sa kinauupuan niya si mom at umalis, sigurado galit na yun.

Tatayo na sana ako para habulin siya pero nagsalita na rin si dad.

"Stay here. Ako na kakausap sa mom mo... kumain na kayo." Natakot na rin ako sa reaction ni dad. Haay nako Selestine ano ba kasi iniisip mo.

"Sel... may problema ba? Gusto mo bang pagusapan natin?" si ate Khiyle na po yan na parang nabibigla pa mga sinasabi ko.

"Ate kailan alis mo? Iwan mo yung car mo huh? Sa akin na lang ahahaha." Nakababatang kapatid ko naman yan na si Darwin.

"tss tumahimik ka Darwin kung ayaw mong tawagin namin si lolo at ipadala ka sa Korea." Pagbabanta ni Khiyle

 ang mga kapatid ko mahal na mahal talaga ako. :'( pero di pwede. Kaya mo yan Selestine wag kang magpadala.

"hindi naman sa mawawala ako lilipat lang naman ako ng bahay. Naisip ko lang malaki na ko gusto kong matutong dumepende sa sarili ko yung hindi nangangailangan ng tulong ng iba. Para sa akin din naman to..."

"pag nasa bahay ako, naalala ko si Brayce. alam ko naman close siya sa inyo. Gusto ko pong magmove on... sana naman payagan niyo na ko." Waaaaaaaaa naiiyak na ko bat ba kasi naging drama to eh nagpapalaam lang naman ako.

"alam mo ate, kahit ganyan ka lang... mamimiss kita. Kasi si ate Khiyle and ate Angela di masarap ang luto laging sunog scramble egg lang." natawa ako sa biglang pagsabi ni Darwin nun, pano naman kasi sa aming lahat siya ang pinaka mapang inis. Lagot ka mamaya kina ate ahaha.

Stupid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon