Chapter 4:
[VLAIRA P.O.V]
Kyaaaah!
Ang ganda na ng araw ko!
Una, hinawakan ng pantasya ko yung kamay ko at hinila palabas ng canteen, kahit masakit nakakilig parin. Pangalawa, inaya niya ko magluch. Woooah! First luch date namin to. Pangatlo, pinahiram niya sakin ung panyo niya, kahit pahagis lang ung pag abot niya sakin natutuwa pa rin ako. Imagine magagamit ko ung panyo ng pantasya ko.
OO, PANTASYA KO NA SIYA ULIT!
Muling nabubuo ang pangarap ko! Sabi ko kakalimutan ko na siya pero ang hirap eh, lalo na kung siya na ang lumalapit! Hahaha..
Saan kaya kami pupunta? Halos patakbo na kong naglalakad dahil sa bilis niyang maglakad pero okay lang.. Naiitindihan ko, ang haba kaya ng legs niya..
Teka? O______O
Bakit parang ang mahal dito sa restaurant na pinasukan namin. May allowance pa ba ko?!
“Cr lang ako.” Sabi ko ng di na talaga ko mapakali sa pagkakaupo namin..
Pasimple lang siyang tumango sakin dahil busy siya sa pagtingin sa Menu. Lagi nalang siyang naka-poker face. Kailan kaya siya ngingiti. Pero kahit ganun ang gwapo niya pa din..
Pagkadating sa CR, agad kong binuksan ung wallet ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong may 2 thousand pa ko.. Buti nalang matipid ako sa pera ko. Di naman kasi kalakihan ang binibigay na allowance sakin ni mommy eh..Lumabas na ko ng cr para mapuntahan ang pantasya ko..
O______________________O
Bat ang dami niyang inorder?! Ganun ba siya kagutom?!!
“H-hehe.. Asan ung menu?” Alangan kong tanong sa kanya. Kailangan kong magcompute ng palihim..
“There’s a lot of foods here on our table.. No need to look for a menu. Let’s eat.”
Napalunok naman ako sa kaba dahil mukhang mamahalin talaga yung mga pagkain na nasa table namin. Okay lang yan Vlaira.. First date niyo naman to eh!
BINABASA MO ANG
You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]
Teen Fiction[ROM-COM] ---------------- She's a simple Girl who have only 'Dream'... Him.. While doing some 'Efforts' to be with 'him', they become 'Near yet so Far'.. Some 'Unexpected' situations happen.. Some secrets 'Revealed'.. Things become more 'Complicate...