Chapter 15 :
[Vlaira’s POV]
“Relax. Just enjoy this moment. When you feel nervous just look at me and think that I’m the only person exist here” bulong sakin ni Vladimir.
Sa totoo lang sobrang kinakabahan ako pano ang sama ng mga tingin sakin ng mga babae naming schoolmates.
Tapos isipin ko palang na ikakasal ako sa Pantasya ko.. Kahit sabihin pang di to totoong kasalan atleast kinasal pa din kami..
Naglalakad na kami papunta sa altar kung saan nag-aantay yung lalaking nakasuot ng pang pari.
Tinitigan ko lang ang pantasya ko at talagang sa kanya ko lang tinuon ang pansin ko habang naglalakad kami..
Pakiramdam ko naging slow motion ang lahat.. Wala akong ibang naririnig kundi ang napakalakas na kabog ng dibdib ko..
Maya-maya pa at nag umpisa na ang wedding ceremony kuno..
“Do you Vlaira, take Vladimir to be your husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?" tanong ng Pari-kuno.
“I DO! I-I d-do.. I do po!” utal utal kong sagot. Three times yan kaya kung kilala mo talaga ko. Malalaman mong talagang totoo ang pag I do ko.
“Do you Vladimir, take Vlaira to be your wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?" tanong naman kay Vladimir ng Pari-kuno.
Hindi agad sumagot si Vladimir at tumingin lang sakin.. Napalunok naman ako dahil sa sobrang kaba..
Pati ba naman sa kunwariang kasal lang di niya manlang ako pagbibigyan?
Naririnig ko na ang mga bulungan ng mga schoolmates namin..
Mga pangangantyaw at pambubuska na pati daw pala sa marriage booth may shotgun wedding.. pinikot ko lang daw si Vladimir at kung ano ano pa ang naririnig ko.
Gusto ko nang tumakbo para makaalis dun pero nakaposas nga pala yung mga kamay namin. Yumuko lang ako dahil sobrang nanliliit ako sa sarili ko..
BINABASA MO ANG
You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]
Teen Fiction[ROM-COM] ---------------- She's a simple Girl who have only 'Dream'... Him.. While doing some 'Efforts' to be with 'him', they become 'Near yet so Far'.. Some 'Unexpected' situations happen.. Some secrets 'Revealed'.. Things become more 'Complicate...