2 : First real talk

237 11 4
                                    

Author: Achuchu *3* Sorry po sa typos and wrong grammars :))
              Feel free to correct me :DD
              Lovelots ♥u♥

-----------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2:

[VLAIRA'S P.O.V]

---Teka? Bakit… parang pamilyar yung boses?

Agad akong napatingin sa wide screen at literal kong nabuga ang bubble gum ko sa nakita ko..

Bakit andyan yun? O_______________O

AYAN YUN EH! Ayan na ayan yun..

Yan yung ni-record ko kagabi para ibigay kay Vladimir..

Anong gagawin ko?

HINDI !!!

Hindi nila ‘to pwedeng mapanuod.. para lang yun sa pantasya ko..

At… NAKAKAHIYA!!!

Nag-gi-gwiyomi ako!!!

Hindi na pwede to!

Agad akong umakyat sa stage at kumaway kaway para pigilan sila sa panunuod..

“WAG NIYONG PANUORIN!!! Ano yan… Ano kasi.. WALA LANG YAN!!! WAG NIYONG PANUORIN!!! ACTING LANG YAN. WALA YAN!!!” Sabi ko habang pilit na tinatakpan yung screen..

Pero dahil nga wide screen ito na para sa lahat, hindi rin ako nagtagumpay sa pagtatakip nito..

Ano na nga bang gagawin ko???

Feeling ko parang kahit wala akong sakit sa puso sobrang aatakihin ako sa pagkataranta at pagkapahiya..

-----------

“Here’s your USB.” Napaangat yung ulo ko para tignan kung sino yung nag abot nun..

Andito ako ngayon sa detention room at inaantay yung teacher ko.. Punishment daw para sa ginawa kong eksena kanina..

“Salamat.. Kaw ba yung nag-stop kanina?” Yeah.. Buti nalang after matapos yung kanta ko nang gwiyomi may nag-stop na nang video kundi maririnig pa nila yung message ko exclusively for my Pantasya..

“Umm, yes.. Para kasing na-shocked din yung operator kaya hindi agad nakapag-react..” Bagong mukha siya.. Freshmen kaya ito, eh bakit parang ka-batch ko lang?

You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon