"SAAN kayo nagpunta?", napatago ako sa likod ni Vlad dahil sa naging parang nakakatakot ang itsura ni Tito Chard.
"Well dad we just--"
"The school admission called me a while ago and asking if your okay because this is the first time Vlad! You cut your class for the first time!", oh oh.. galit talaga si Tito.
"Tito wag nyo po p-pagalitan si V-vlad.. Ako po nagpasama sa kanya.."
"Nakuuuu ka talaga bata ka! Bat ba kayo nag-cutting? Saan kayo nagpunta?", tanong ng mom ko.
Napayuko ako.. "Sa t-tagaytag po.."
"TAGAYTAY?? Oh ang layo nun ah? Anong ginawa nyo dun??"
OmyGosh. Kaya kong magsinungaling sa ibang tao pero hindi sa mommy ko..
"Vlaira had a special project dahil nanganganib siya sa isa niyang subject. She might fail that subject and in order for her to pass. Binigyan siya ng Prof niya ng special project. A reaction paper in Tagaytay. So I helped her. I tour her to that place para ma-familiarize siya at majustify nya ang mga isusulat nya.."
Napatingin ako kay Vlad habang sinasabi niya to. Grabe ang galing niya talaga magsalita..
Parang lahat maniniwala sa mga sinasabi niya..
Pero parang kinurot yung puso ko sa pahabol na sinabi nya ... Kakaibang sakit ...
"Well, you know, she's my future sister kaya I also take care of her.."
Sobrang sakit..
Marami pang sinabi si mommy na hindi ko na masyadong naintindihan..
tuwang tuwa siya kay Vlad dahil tinatrato daw niya ko talagang kapatid.
"E-excuse m-me po.", sabi ko sabay talikod.
Mabuti nalang nakatalikod na ko dahil baka nakita pa nila ang pagbagsak ng luha ko.
Dali dali akong lumabas sa bahay at tumakbo..
Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa malapit na playground dito sa subdivision..
--
"Vlaira..",
That voice.. Paano ko ba makakalimutan yan? Eh kung sa ganyang salita palang ang bilis na agad ng tibok ng puso ko..
"hmmm?", hindi ko siya hinarap..
"Im so sorry.. I need to do that para hindi sila magalit satin.."
"Na-naiintindihan ko.."
Sabi ko nalang kahit na hindi ko parin maintindihan. Bat kailangan naming itago ang pagkakagusto namin sa isat isa??
"Then why are you crying like that?", hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ko sa kanya.
"T-tears of joy. Hehe. Saya ng pang "magkapatid-na-date" natin kanina eh."
Ewan ko ba kung saan ko nakuha yung lakas ng loob para maging sarcastic sa kanya..
Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon niya sa sinabi ko.
"Vlaira I like you. I really do. Pero tuwing nakikita ko kung gaano kasaya si dad sa mom mo.. I cant. I cant like you fully."
Di ko na napigilang mapaiyak.. "V-vlad.."
"I'm sorry vlaira pero this is our reality. We cant be like what you are thinking."
Napailing ako ng maraming ulit. "No vlad. No please? Wala na ko ulit expectation please? Di nako iiyak kahit sabihin mo sa harap ng iba na step sister moko.. Basta, b-basta please vlad. gustuhin mo lang ako.. S-sapat na sakin yun.."
Natataranta ako. Di ko gusto ang tono ng pananalita ni Vlad.
"Vlaira we are soon to be step brother and sister. We cant be together."
Tuluyan nakong napahagugol sa sinabi niya..
"W-wag please..", tinakpan ko ang tenga ko.. "A-ayokong marinig.. Vlad please wala akong narinig. Wala akong narinig.."
Pumikit ako habang patuloy sa pagtulo ang luha ko..
Bakit ganto siya ? Pinaglalaruan niya ba ko? Pinakita niyang importante ako sa kanya
Pinaramdam niyang gusto niya ko tapos ngayon.. Ano to???
Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang mga kamay kong nakatakip sa tenga ko.. dahan dahan niyang binababa ang kamay ko.
"Im your dream right? Im just your dream.. And it's time to wake up now vlaira.", binitawan ni vlad ang kamay ko
Mas lalo akong napaiyak ng tumalikod na sya sakin..
BINABASA MO ANG
You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]
Teen Fiction[ROM-COM] ---------------- She's a simple Girl who have only 'Dream'... Him.. While doing some 'Efforts' to be with 'him', they become 'Near yet so Far'.. Some 'Unexpected' situations happen.. Some secrets 'Revealed'.. Things become more 'Complicate...