9 : Near yet so Far

153 8 4
                                    

Chapter 9:

 [VLAIRA’s POV]

O___o

Nasan ako? Kaninong kwarto to?

Tatayo na dapat ako ng marinig kong parang bumukas yung pinto kaya pumikit nalang ulit ako..

Malilintikan talaga kung sino mang damuho itong nagdala sakin dito!

“HULI KA!”, sabay hawak ko sa braso ng taong kung sino man to.

O___________O

“VLADIMIR?!”

“What are you doing?”,

“Ikaw ang what are you doing here?!”

 

“Well.. hindi ko inaasahan na mas stupid ka pa kesa sa word na yun.. Hindi mo maalala yung nangyari?”, lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Na.. nangyari? Don’t tell me na… m-may ginawa k-ka sakin?! M-may ginawa tayo?”, OMO. Namemental black ako.

“Pft.. pft.. HAHAHAHAHAHAHAHA”. 

Hala anong nangyayari sa kanya? Na-possess na ba siya? Kung makatawa wagas—

Tumatawa? O___O

Kinusot ko ang mata ko at tinignan ulit ung Pantasya ko. Tumatawa talaga siya!

For the first time nakita ko siyang tumawa ng galak na galak.

Totoo ba to? Nananaginip ba ko?

Kyaaaaaah! Nakakatuwa!!!

Dahil dun nakisabay na din ako sa pagtawa sa kanya!

“HAHAHAHAHA” 

“Bakit ka tumatawa?”, at siya pa talaga ang nagtanong sakin.

Eh siya nga tong halos nakahawak na sa tyan kakapigil ng tawang di napigilan.

“Eh tumatawa ka eh! Alangan namang hayaan kitang tumawa mag-isa edi para kang baliw nun..”, oh di ba may point ako?

You Are My Only Dream♥ [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon